chapter thirty six

Start from the beginning
                                    

"Pero parang deserve rin namang niyang maka-move up siya ng junior high, Ate Alexid."

"Deserve?! After what he's done?! No, he doesn't!"

"I mean Ate Alexid, kung napansin mo, parang medyo ironic ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng deliberation kung ma-e-expel siya."

"Ano..." My voice faltered. I was curious.

"Kung ma-e-expel si Dexter, parang tayo naman ang sumira ng buhay niya, 'diba?"

Bumuka ulit ang bibig ko, pero walang lumabas na tunog mula dito. I was speechless. Ang lahat ng sinabi niya'y prinoseso ko sa utak ko. Masyado akong galit para isipin ang mangyayari sa side nina Dexter kapag sila ang mapatawan ng expulsion.

I mean, kasama kami dito in the first place. Meron rin kaming ginawang mali.

***

Dumating ang araw ng pagbabalik namin sa Asplund matapos ang first week ng January. Kaba ang naramdaman ko sa pagpasok sa room, after months of being absent. Inulan ako ng mga tingin ng mga kaklase ko, hearing the obvious whispers about the group.

Alam na nga nila ang nangyari.

Apparently, the SSG officers that were on the scene with Dean Mendez couldn't keep their mouth shut at naikalat ang nangyari sa likod ng Junior High building. The weird thing about it is... they don't seem to be angry.

They were curious. At kapag nagkakataon, they would ask me questions like 'Kasali ka ba talaga sa Royals?!' and 'Kailan niyo pa naisip na magsimula?'.

Hindi ko muna sila masyadong in-entertain dahil ayoko nang lumaki pa ang isyu at ayoko rin nilang istorbohin si Allison dahil alam na nilang siya yung parang 'lider' sa grupo.

Na hindi rin pumasok sa araw na 'to.

Tulad ng sabi sa'min ni March, lahat kami ay nagstay sa harap na ng office after dismissal para hintayin ang pangalan na matawag doon. Today was the deliberation day. Paulit-ulit ko nang pinunasan ang palad ko sa mismong palda ko. I kept getting stares from Daryll beside me pero wala talaga akong pakealam dahil pinangungunahan ako ng kaba ko.

Napaigtad ako nang marinig ang biglang pagbukas ng pinto ng Dean's office. Iniluwal nito si Phoenix na walang nakaguhit na kahit anong ngiti sa labi, pero nang magtagpo ang tingin namin, kita ko ang pagbuo nito ng maliit na ngiti sa labi bago ako lagpasan paalis.

"Alexid, ikaw na."

Nagising ako sa diwa ng marinig ang pangalan ko mula kay March. Walang ano-ano pa't pinasok ko nga ang malamig na silid. Si Dean Mendez lang ang tannging tao sa loob (at ako) pero pakiramdam ko nga ay para bang maraming matang nakatingin sa'kin.

"Apparently, you gave the idea of forming the said group, am I right Ms. Medina?" saktong pagupo ko, agad na nga akong tinanong ng matanda.

"Opo."

"Bakit? Bakit mo ito naisip?"

I did not know what kind of fire was inside me, but somehow his question fueled this foreign feeling to me. It made my chest tight, and my mind replay memories of us covered in blood and wounds.

I did my best to answer as calmly as possible, remembering March's advice. "Dean, niligtas ako ni Allison. Niligtas niya 'ko kina Allan, doon sa girl's bathroom."

"Girl's bath- Kailan pa 'to nangyari?!"

"Last year, around July. Sumigaw ako ng sumigaw, humingi ng tulong pero walang tumulong, kung hindi siya, na hindi naman mahilig makisawsaw sa isyu ng iba. Nalaman ko na lang na may kasalanan pala sa kanya si Dexter."

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now