"Hindi ah ! Sya kaya "Palo nya sa braso ko 

"Eh bat ikaw ang nanligaw?"Taas kilay kong tanong

"Kase nga hindi nya ko gusto dati kaya gumawa ako ng paraan para magustuhan din nya ako at pumayag na ligawan sya "Sagot nya sa akin

"Yan ba ang problema mo?"Tanong ko

"Problema naming dalawa"Sagot nya tsaka huminga ng malalim

"Oh baket nanaman?"Tanong ko

"Ina kase urghh mayaman sya at sya ang may-ari ng school na pinapasukan ko paano kung malaman ng magulang nya tsaka yung problema ko hindi ko nga alam yung past nyaat hindi ko rin malaman kung baket hanggang ngayon dun sya nag-aaral dahil dati naman dun sya malapit sa school ko nag-aaral sa pang mayaman eh pang mga scholar lang ang school eh"Taka nyang paliwanag

"So ibig-sabihin sobrang yaman nya pala? Oh my God ang swerte mo ! "Palo ko naman sa braso nya 

"Aray naman ! Anong swerte? Ang hirap magtago Ina , sobrang sikat nya sa school"Sabi nya ng malungkot

"Ayy kaya pala , Tiffany parehas tayo"Sagot ko 

"Oh? Kayo din ni Song noh!? sabi ko na nga ba !"Tsaka ako pinalo sa braso

"Aray hindi ! "Sagot ko habang hinihimas ang hinampas nya

"Eh ano?"Takang tanong nya

"May gusto ako sa kanya "Malungkot na sabi ko 

"Oh bat di ka mag-confess ? "Tanong nya

"Inlove sya sa iba"Malungkot na sagot ko 

"Aw , kanino?"Tanong ya 

"Kay Joseph"Mahinang sagot ko

"Oh seryoso? si Joseph bading ? anong ginawa nya kay Song grabe ang landi talaga nun "Naiinis din na sabi nya 

"Oo nakakainis diba? hindi ko alam kung baket nagustuhan nya yun"Tsaka na ako humiga sa buhangin 

"Nagayuma sya Ina"Tawang sagot nya 

"Okay lang pwede ko namang ibaling kay Mat yung nararamdaman ko"Nakangiti kong sabi 

Kaya ko naman diba? ang dali lang makalimot tanong ko sa sarii ko 

"Mahirap Ina kung alam mo lang "Tawang sabi nya sa akin 

"Kaya ko yun Marina Dolfo ata to "Ngising sagot ko

"Talaga lang ha "Sagot nya 

"Teka bat andito ka pala ?"Tanong ko sa kanya 

"Pupuntahan sana kita kaso lang wala ka dun sa bahay nyo "Lingon nya sa akin

"Ah eh bat mo ko hinahanap? pagpapalit mo na agad si Kim?"Pabiro kong tanong 

"Mandiri ka Marina "Tawa nya 

"Ano nga?"Tawang tanong ko 

"Hanap ka ni Mat eh pinapatawag ka sa akin pero sabi ko wala kaya nagdecide akong puntahan ka sa bahay nyo pagpunta ko dito nakita kita pero di ko na sasabihin dahil mas boto ako kay Song "Tawang sabi nya 

"Baliw anong boto boto automatic naman na si Mat ang kailangang piliin ko "Tawang sagot ko 

"Dun ka sa kailangan? dapat dun ka sa gusto mooo"Tsaka ako binato ng maliit na bato 

"Buti natitiis ka ni Kim? Grabe napaka sadista mo "Biro ko sa kanya 

"Syempre mahal ako nun eh"Sagot nya na tumawa lang ako 

Habang tumatawa kami ay biglang tumunog ako cellphone ni Tiffany

"Kailangan ko na atang umalis Ina nagtext na si Kim eh bye"Paalam nya kaya tumango na lang ako at ngumiti 

Maya-maya pa ay naisipan ko ng umuwi .

Pagpasok ko ay binungad ako ni Lola

"Marina puntahan mo na si Song dun ikaw lang makakapagtahan dun "Halos magmakaawang sabi ni Lola kaya dali dali akong umakyat 

"Song naman"Lumapit ako sa kanya 

"Ina C̄hạn dị̂ s̄emx pheīyng khæ̀ pl̀xy h̄ı̂(lagi mo na lang ako iniiwan)"Tsaka sya yumakap ng umiiyak sa akin 

"Song I Gusto k- Song andito lang ako "Sabi ko sa kanya dahil yun lang naman ang kaya kong sabihin bilang isang kaibigan 

Stay With Me (gxg)Where stories live. Discover now