Without further ado my tears started pouring again.. I am trying to be as quiet as possible but my heavy breathing and sniff didn't help at all. Nang matapos ako humarap na ulit siya. Malamlam ang mga mata at nakangiti.

There's no pity in his eyes.. it was a big relief.

"Okay na?"

I nodded as I sniff again looking straight at the hospital in front. I always come here everytime I feel so deadly tired.. mentally, emotionally and physically.. pag kasi nakikita ko yong mga lumalabas na doctor namo-motivate ako ulit after crying my eyes out.

Napasinghot ulit ako. Shit, I forgot my hanky, kahit tissue wala.. gusto niya tumulo! Ngayon pa talaga kung kailan andito siya! Suminghot ulit ako.

"Singa mo nga,"

I rolled my eyes at him before turning my face to my left para di niya makita mukha ko! Shems, gusto na lumabas ng sipon ko! Ugh! Nakakawala ng poise!

"Wala ka bang panyo?" he asked nang mapasinghot ulit ako, umiling lamang ako. Begging my nose to just close para walang lumabas! Kung wala siya dito ang dali mag-pahid sa damit e! Hindi sana ako nai-stress ng ganito katindi agad. Saan ako sisinga?

"Lika nga," bigla niyang hinawakan ang balikat ko at hinarap ako sa kanya. My face remained nonchalant pero hiyang hiya na ako!

"Ano ba?!"

"Singa mo dito," then he offered his shirt!

Napaamang ako sa kanya. My eyes drop to the hem of his shirt na inangat niya sakin then back to his face. Is he serious?!

"Malinis to,"

"Ayoko!"

Jusko! Tutulo na sipon ko kakasagot sa kanya! Nakakairita naman. Bakit ba kailangan mangyare to ngayon?

"Dali na, lalabhan nadin to kesa jan sa uniform mo puti yan."

Nahihirapan ako sumagot agad kasi gustong gusto na talaga lumabas ng sipon ko, kapag sinisinghot ko parang malulunok ko na! Babaho hininga ko neto e!

Umiling lang ako. Papatayin talaga ako ng pride ko.

Tatayo na sana ako ng hilahin niya ulit ako paupo, marahan lang pero agad niyang inangat ng mataas yong shirt niya at inilapit sa ilong ko! Nakakainis talaga! Gusto ko na lamang lumubog!

Tapos he's urging me na suminga, like super supportive niya sa pag-papalabas ng sipon ko! It was so epic!

"Push mo na!"

I don't know if he just made a joke kasi parang seryoso siyang mapasinga ako pero may kumawalang tawa sa labi ko. Nakakainis! Tinalikod ko siya agad bago suminga sa likod ng shirt niya.. sa dulo of course!

Nang matapos ako at humarap siya nagpipigil na agad siya ng tawa.

"Don't. Lunukin mo tawa mo."

But he still did! Happy na happy talaga siya kapag may mga ganitong kahihiyan sa buhay ko e!

"Cute mo," he said as he pinched my cheeks pero parehas kaming natigilan saglit and before it becomes awkward pinalis ko na agad ang kamay niya.

"Stop pinching my cheeks! Crush mo ba ako?"

Huli na bago ko mapigilan ang dila ko. It just came out of my mouth! I feigned nonchalance as I straightened my back. Nakita ko siyang parang tanga na naman na ngiting ngiti.

Nang makita kong bubuka na ang bibig niya agad ko yong tinakpan. His eyes widened.

"Don't. Wag mong sasagutin yon, okay?"

Winning HurricaneWhere stories live. Discover now