Chapter 3- Afternoon Talk

140 3 0
                                    

Kat's POV

Papunta ako ngayon kila Carl, wala lang gusto ko lang dumaan sa kanila bago ako pumasok. Hindi niya alam na pupunta ako sa kanila ngayon. Ilang weeks na din matapos nung engagement, ilang weeks na din akong engaged sa kanya. I'm so lucky to have him.

Mom niya nagbukas nung pinto and she looks so surprised. Matagal narin kasi simula nung huli akong nakadalaw dito since busy din ako sa work. Sabi nga nila, wag daw ako masyadong magwork dahil bata pa daw ako para ma-istress sa trabaho, e kailangan magipon e, I will have my own family soon. Ganun din naman si Carl. Alam kong hindi ko naman na kailangan magipon dahil my family is there naman pero ayoko naman ng ganun, I don't want to depend on them always.

Anyway, ayun nga, si Tita Grace nga yung nagbukas ng pinto, mom ni Carl. "Hi tita!" bati ko sa kanya.

"Oh, Kat. Buti napadalaw ka? Pasok ka. Nasa kwarto niya si Carl." Pumasok ako sa loob. Kukuha pa sana siya ng maiinom tsaka ng makakain ko pero pinigilan ko siya. "Naku tita, wag na po. Aalis din po kagad ako, gusto ko lang po dumalaw dito tsaka makita si Carl bago ako pumasok."

"Ganun ba? Sige, akyat ka nalang, gising na din naman na si Carl." I nodded and I went to his room.

"Good Morning!" Bigla kong binuksan yung pintuan ng room niya at nakataas pa yung dalawang kamay ko pagbati ko sa kanya. Nagulat siya! Hahaha. Muntik na nga siyang malaglag sa kinauupuan niya e. Napahawak siya sa dibdib niya sa sobrang gulat which is so cute of him.

Tumayo siya, "Kat naman! You scared me!" he said. Ang cute niya talaga pag naiinis na ewan. Hahahah!

"Hahaahahaahahah!!" tawa lang ako ng tawa sa reaction niya. Ang cute niya talaga e!

"Sige, tawa pa." he said seriously. Tumigil na ko sa kakatawa. Para lang kaming tanga, nasa pintuan parin ako habang siya nasa may kama niya. Ang layo ng pagitan naming dalawa.

"Sorry na." Nag pout ako. Inisnob niya 'ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" he said irritatingly. Kunyaring naiinis siya, I know.

"Bakit? Masama bang ma-miss yung fiance ko tsaka makita siya bago ako pumasok?" napangiti siya dun.

"Ikaw talaga, halika nga, lumapit ka sakin." Then he extended his arms for a hug. Syempre lumapit ako and I hugged him, tightly.

"seriously, anong ginagawa mo dito? may problema ba?" he asked without breaking the hug.

"Wala nga lang. Gusto lang kita makita tsaka ang tagal ko na din hindi nakakakwentuhan si Tita. Nagkakwentuhan nga kami kanina sa baba." He broke the hug at umupo siya sa kama niya. May nakita akong white envelope sa may table ng lampshade niya.

"Ano to?" I'm referring to the white envelope.

"Invitation letter para sa Alumni Homecoming." Humiga na siya.

"You're going to attend?" he shrugged. "Don't know yet." he said. Umupo ulit siya at tinabihan niya 'ko.

"Why?" I asked him. Hindi siya sumagot. "Ayaw mo nun, makikita mo ulit yung mga classmates, friends,and teachers mo dati? Matgal mo narin hindi nakikita yung mga high school friends mo, right? Naku, kung school ko lang yan, hindi na ako mag dadalawang isip na pumunta. " Napatigil ako saglit. May narealized lang ako.

"Ahh. Why? Baka makita mo ulit yung-" he cut me off

"Nag usap na tayo jan diba? Syempre, hindi. Matagal na panahon na yun tsaka mas importante ang present kaysa sa past, ikaw, kung anong meron ka, ako, tayo. Hindi na mahalaga yung nakaraan sakin.." hinarap niya ko sa kanya and hinawakan niya yung mga kamay ko. "Mas mahalaga sakin nagyon ay ikaw. Ikaw, Kat." then he smiled, his nakakakilig-smile then he kissed me on my forehead.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon