Chapter 7- Past Meets Present

117 1 2
                                    

Jade's POV

 Medyo late na ako nagising dahil past 2 am na ako nakatulog kagabi. Umupo ako sa kama ko at inalala ang mga pangyayari kagabi.. Fresh na fresh parin sa isip ko yung pagkikita namin ni Carl kahapon sa homecoming.

The way he talked and looked at me, it was so cold.

*tok tok*

Binuksan ni yaya Fe ng kaunti yung pinto at sumilip. "Jade, gising ka na pala. Halika na sa baba at kumain ka na ng almusal." 

"Sige po, susunod na po ako." Nginitian ko si yaya at isinara na niya yung pinto.

Kumain na muna ako at nag ayos ng sarili ko. Napagpasyahan ko kasing pumunta nalang sa mall ngayon, wala naman ako magawa at mag gogrocery nalang ako tutal naman wala ng masyadong pagkain dito sa bahay.

Nag taxi nalang ako papunta sa mall dahil sira yung kotse namin. 

[Mall]

Haaayyy.. ang lungkot naman mag shopping mag-isa! Wala kasi yung mga kaibigan ko, may kanya-kanya silang lakad. Sunday na sunday, busy! Si Mich, pumunta sa Makati dahil birthday ng pinsan niya, si Ash at Tin busy sa pag drawing ng bago nilang project, si Yet naman, andun sa shop niya, nagbabantay. Remember may sarili siyang clothing store?

Ang loner ko tuloy ngayon :( After kong bumili ng mga personal 'needs and want's ko, mga 10 paper bags lang ata yun, pinalagay ko muna yung sa baggage counter. Alangan naman dalhin ko lahat yun sa loob ng grocery  diba? Duuhh! 

Ang sarap kaya mag shopping! Parang nawawala yung stress ko kapag nag shoshopping ako. Stress reliever ko na siguro yung pag shoshopping.

Pinalista ko kay yaya lahat ng mga kulang sa bahay, lahat ng mga pagkain na kailangan kaya naman hindi na ako nahirapan mag isip kung ano yung mga bibilhin. Syempre may mga dagdag yung nasa listahan dahil binili ko rin yung mga favorite foods ko. Hihi. Mapupuno na  yung isang cart pero may mga kulang parin kaya naman hinanap ko yung mga kulang pa.

Iniwan ko muna sa isang side yung cart dahil ang bigat na nun. Pahirapan ko pa yung sarili kong itulak yun habang naghahanap diba?

Anyway, hanap hanap... habang nakatingin ako sa listahan  nang mabangga ko yung isang babae. 

"Oww." Mahinang sabi nung babae habang hinahimas yung pwet niya. Napa-upo kasi siya sa lapag nanag mabangga ko siya. Agad ko siyang tinulungan tumayo.

"I'm sorry. Hindi ko kasi tinitignan yung dinadaan ko. I'm sorry.." Pauli-ulit akong humihingi ng pasensiya sa kanya.

"No, it's okay. Ako dapat yung humingi ng sorry sayo dahil hindi ko nakita na tinitignan mo yung nasa papel." Napa tingin naman ako dun sa listahan na hawak ko, agad kong tinago yun  sa bulsa ng pantalon ko.

"May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nag-aalala talaga ako sa kanya kasi naman ang tanga tanga ko! Hindi ko kasi tinitignan yung dinadaan ko! Nakakahiya tuloy sa mga nakakita! Uggghh! Stupid, Jade!

She let out a small laugh. Bakit kaya tumatawa to? Siya na nga yung nasaktan, nakuha pa niyang tumawa? 

"Thank you for asking, but I'm okay. Walang masakit sakin. Okay lang ako." She smiled at me. Ang ganda nung ngiti niya, para siyang anghel.

"Sure ka ba? Promise?" Tumango siya ng dalawang beses and she gave me an assuring smile. Para talaga siyang anghel kapag ngumingiti. Yung ngiti niya! Yung ngiti niyang parang anghel! Familiar yung ngiting yun! OMG! 

Biglang natahimik kaming dalawa at tinitigan lang ang isa't-isa. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. Tinitigan ko din yung mukha niya pero hindi ko maala kung nagkita na ba kami dati, kung oo, saan?! Familiar siya sakin! Ohgash san ko ba siya nakita?! Pilit kong inaala kung san kami nagkita dati nang...

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon