Inaya niya ang dalawa na pumasok na sa bahay. Wala pa ang kanyang Mamang dahil namalengke pa raw ito at may idineliver na tanim. Nagkulitan ang dalawa sa sala habang siya naman ay nagbihis. Paglabas niya ay nakita niya rin na nakabihis na si Ewan. Buti naman dahil hindi niya na naman alam kung saan titingin.

“Actually, I bought something.”

“Ano ‘to?” Napatingin siya sa mga ingredients na nasa mesa.

“Let’s make carbonara. Request ni tita ‘yon eh.” Ngumisi ito.

It looks like her mamang and Ewan have been catching up lately.

She grimaced. “Hindi kaya ako marunong niyan," she told him. Marami siyang alam na lutuin pero wala siyang alam sa mga dessert. Tanging lutong-bahay ang gamay niya.

“Don’t worry. Expert na ako dito,” he proudly said.

She hesitated. “I don’t trust your expertness.” He only grinned and pinched her nose.

“Ang kulit mo rin ‘no? Tignan mo pagkatapos nito, malilimutan mo pati pangalan mo," he bragged.

“Talaga lang ha...” Hindi niya mapigilang umiling.

Hinanda nila ang mga kakailanganin. Natawa siya nang makita ang listahan nito sa cellphone. Step by step ‘yon ng dapat na gawin. Wala talaga siyang tiwala sa ginagawa ng binata. But he looked so certain of what he’s doing that Lila can’t help but find it endearing.

Para makasiguro ay nag-browse siya sa youtube ng mga videos. Bigla namang nag-pop ang isang notification, an email came. Kinabahan siya sa subject na nakalagay kaya naman agad niyang binuksan saka binasa. She bit her lip while reading it. Muli siyang napatingin kay Ewan na focus sa ginagawa nito. She shook her head and slid her phone inside the pocket.

“Wow, mukhang masarap ah," ani Tommy nang makita ang finished product.

Manghang-mangha si Tommy sa kinalabasan. Siya rin naman ay di napigilan ang excitement. Mukha nga talagang carbonara. It looks creamy and savory. He even placed some garnishes on top and cleaned the sides of the plate para instagrammable raw.

“Masarap talaga ‘yan, Tommy," he said confidently.

“Ano ‘yang naaamoy ko?” a voice said, si Mamang.

“Mang!”

“Tita, tikman niyo.” Agad na kumuha si Mamang ng isa saka sinubo ito. Silang lahat naman ay naghihintay sa reaksiyon nito habang nginunguya ang pasta.

“Uhmm kakaiba,” kunot-noo nitong sambit.

“Tita naman...” Ewan frowned.

Umiling ang kanyang Mamang. “Masarap! Totoo nga!” anito.

Kumuha na rin siya sa kanyang plato at tumikim. Nanlaki ang mga mata niya. Surprisingly, it’s good, she thought. Ang liit ng expectations niya ngunit masarap talaga. Ngiting-aso naman si Ewan nang marinig ang sinabi niya.

“Kakaiba nga pero masarap!" she exclaimed.

He sighed inwardly. “Hay, pinakaba niyo ‘ko. Akala ko mapapahiya ko ang pangalan namin eh.” He even held his chest.

Bago pa nila maubos ang carbonara ay kumain muna sila ng dinner. Kuwento pa nang kuwento si Ewan kay Mamang tungkol sa achievements niya sa swimming at sa kanyang ginagawang thesis. Tuwang-tuwa naman sila. Pati si Tommy ay gusto na ring makisingit sa schedule nito. Sino ba talaga ang niligawan dito?

“Hot choco lang ‘yan.” Inabot niya dito ang mug na dala.

He was sitting outside. Umupo siya sa tabi nito. Hindi ba ito kinakagat ng lamok? Bigla siyang nag-alala. She thought of spraying the air some baygon to get rid of the mosquitoes.

All Up In My Head [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ