Chapter 28: Tragedia

15 6 0
                                    

Chapter 28: Tragedia







February 11, 2020.

Happy 6th Monthsary sa inyo Venice...

Isang umagang luha ng lungkot ang bumungad na naman sa akin. Hindi lahat maiintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. As usual, wala na naman akong gana.

Nabati ko naman na si Basti ng "Happy 6th" bago kami magcool off. Sa kadahilanang marupok ako, binati ko ulit siya.

You messaged Ibarraaaa:

"Happy Monthsary!"

Agad naman siyang nagreply.

"Happy Monthsary din! Ingat ka."

Ang marupok kong heart ay tuluyan na ngang natunaw. Anyway, yun ang end ng aming conversation. Di na ako nagreply pa since ayaw naman niyang makausap ako.

Matamlay. Walang gana. Unti-unti ko ng nararamdaman na ayaw na niya. Yung mas masakit pa dyan ay sa tuwing binubuksan ko ang account niya, ang sigla sigla niya makipag-usap sa iba pero sa akin hindi.

Ayaw kong mapagod. Di pa ako susuko. Baka kaya pang mailaban ito.

Ngayon pa ba ako susuko kung kailan nangangalahati na kami ng taon?

"Ang duwag niya, nakakainis!" sabi ng seatmate kong si Iya.

"Baka napressure lang talaga," depensa ko.

"Napressure? Paano at saan? Napakaimmature nya. Hahanapin kunwari sarili pero mamaya niyan may iba na pala."

Tumulig sa tainga ko ang mga sinabi niya laban kay Basti. Ayaw kong pinagsasalitaan ng ganoon ang taong mahal ko.

"Ayoko namang husgahan yung desisyon niya. Ayoko ring isipin na may iba siya dahil malinaw namang wala."

Naiiyak na naman ako. Sinusubukan kong ipagtanggol si Basti sa iba dahil hindi niya deserve yun, hindi rin nila alam yung nangyari at mas lalong hindi ako makapapayag na ganoon ang tingin sa kanya. Pinipilit kong intindihin kung bakit kailangan niyang gawin iyon kahit pa nasasaktan ako.

Nang hindi na kami magkaintindihan ni Iya, naisipan kong manahimik na lang. Sasabog lang kami pareho kapag sinalubong ko ang galit niya.

"Napapagod ka rin naman Venice ah, pero di mo naman siya sinukuan. Gusto niyang takasan yung problema niya."

May point siya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tama naman si Iya.

Kaso, muli ko na namang naalala na intindihin na lang si Basti at isiping iba-iba naman tayo ng paraan ng paghahandle ng mga problema natin.

Pagtakas nga ba sa problema ang way mo Basti?

Pilit kong nilalabanan ang antok at pilit ko ring pinakikinggan ang discussion ngayon. Wala na naman kasi akong maayos na tulog kagabi kung kaya't hindi ako makapagfocus. Physical Science ang subject namin ngayon at favorite ko iyon kaso tamad na tamad akong makinig.

Ilang saglit pa ay bigla akong nabuhayan sa mga pinagsasasabi ng teacher namin. Nagkataon pang about  distance and displacement ang topic ngayon.

"Eh ma'am, paano po pag biglang nanghingi ng distance... macacalculate pa po ba iyon? bulong ko kay Rio habang kunwaring nagsusulat ng notes. Natawa ako sa sarili ko at pinipigilan ko iyon. Baka mapagalitan pa kami, mahirap na.

"Mukhang mahirap icalculate yung distansya nya, siya mismo mahirap icalculate," sagot ni Rio sa akin.

"Ayy takte ka, legit na legit..." Sinisiko ko siya dahil natatawa na ako.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum