Chapter 35: Battlefield I

17 5 0
                                    

Chapter 35: Battlefield I


Again, it's a night full of anxious thoughts.
I wandered on my shelves and picked our photo album.
Looking back at my photos with him makes me miss him even more.

How I wish he have stayed.

How I wish we tried to fix it.

"Hayyy Venice... Kailan ka ba magiging okay?" sabi ko sa aking sarili habang nakahiga't nakatingin sa kisame. Kailan nga ba matatapos lahat ng ito Venice? Matatapos pa ba?

Tumayo ako.
Lumapit sa salamin at tiningnan ang sarili.

I miss my smile so much.

Magmula kasi nang umalis siya, parang hindi ko na alam kung paano ngumiti - genuinely. Alam ko ang pinagkaiba ng pilit na ngiti sa hindi. Pati ba naman iyon ay sinama niya sa kaniyang pag-alis.

Tumayo akong muli at naghanap ng gunting.

Nah, I won't harm myself. I just want to cut my hair short.

Alam ko, ayaw niyang umikli ang buhok ko pero now that he's gone and for sure wala naman na siyang pakialam then pwede naman na siguro akong magdesisyon para sa sarili ko.

Weird. 3 am na tapos naggugupit pa ako ng buhok ko rito.

Hanggang balikat ko lang ginupitan ang buhok ko, mas okay sana kung mas maikli pa kaso gusto ko rin kasi ng mahabang buhok sa debut ko kaya okay na muna ito.

*Facebook notification*

"Anlaaa Ateee! Do more covers po."

"Ang lalim ng hugot."

"Sobrang mapanakit naman ito."

"Good job Ate Venice! Do more covers pa po, you inspire us so much."

Wow! Di ko naman ineexpect na maraming magkakagusto sa ginawa kong cover kasama ang ukulele ko. Napasaya ako ng mga compliments nila. At least, may naniniwala pa sa akin.

"Hangga't may isa pang naniniwala, magpatuloy ka Venice," sabi ko sa aking sarili.

"Thank uuu so much po! I'll do more po soon."

Gumawa ako ng marami pang covers after noon. Lahat ng mga kanta na na-cover ko ay dedicated kay Basti. Hindi ko lang sure kung napapanood niya iyon since naka-public naman ang mga posts ko pero umaasa ako na sana nga ay napanood niya.

Bago ko lisanin ang ika-16 na kabanata ng buhay ko sa Hulyo 16, gusto kong balikan na muna ang mga alaala at aral na natutuhan ko rito.

Kinuha ko ang diary ko at nagsulat.

Alam ko ang tanda ko na para sa diary at napaka old school nito for some pero ito talaga ang inaasahan ko sa sandaling ayaw ko munang magsabi sa iba ng nararamdaman ko.

Isa sa mga pinakamagandang narealize ko sa 16th chapter ko ay "love yourself".

Mahirap magmahal ng iba kung hindi mo mahal ang sarili mo.

Sabi nga ng iba, unahin mo munang mahalin ang sarili mo and everything else will follow.

Domino effect, kumbaga.

At saka, pag mahal mo ang sarili mo, hindi ka gaanong mahihirapan na buuin ulit ang mga nadurog mong parte.

Kung sa sarili mo pa lang ay may problema ka na, hindi mo rin maililigtas iyong mga taong gusto mong iligtas.

"So before I love someone else, I've got to love myself"

Lyrics mula sa "Save Myself" ni Ed Sheeran na hinding-hindi ko malilimutan.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن