Chapter 6: A Night To Remember

56 12 23
                                    

Chapter 6: A Night To Remember











"Thank you Tortang Talong!"

"Bago tayo magpatuloy partner sa next band, open mic muna tayo."

"Yes partner! Syempre gusto rin ipakita ng mga audience natin yung galing nila sa pagkanta."

"At meron na nga tayong mga confident students na gustong sumubok."

"Woooohooo! Venice! Venice!"

"Ate, halika na," sabi sa akin ng isang SSG Officer.

"Go Venice!" sabi sa akin ni Basti.

"Kaya mo yan!" dagdag pa niya. Ngumiti lang ako sa kanya dahil sobra na akong kinakabahan. Papaano na lang pag jinudge nila ako??

Sinamahan ako ng officer papunta sa stage.

"Ayan si ate! Hi! Sya pala yung Miss Nutri-Fashion natin hindi ba?" sabi ni Ate Hazel.

"Yah sya yun. What's your name?" tanong ni Kuya Pete at iniabot nya sa akin ang mic.

"Venice Allison Martinez po from ABM-11!" Naghiyawan yung mga classmates ko na scattered sa audience.

"Ano namang kakantahin mo Venice?"

"Two Less Lonely People in The World po."

"Wow!! Sige. I give the stage to you Miss Venice. Again, give a round of applause for Venice Allison Martinez."

Kinakabahan ako kasi baka magkamali ako. Si Basti nakikita ko mula rito na vinivideohan ako. Ang supportive.

"I was down... My dreams were wearing thin." Naghiyawan halos lahat ng tao nang maganda yung pagbitaw ko sa mga unang linya ng kanta.

"Two less lonely people in the world and it's gonna be fine..." Feeling ko na naman na concert ko ito hahaha! Sinasabayan ng mga tao yung pagkanta ko kaya mas nakakakilig. Tumitingin-tingin ako kay Basti dahil dedicated para sa kanya ito.

Akala ko hanggang chorus lang kaso biglang tuloy-tuloy yung instrumental na provided nila. Shemss!

Nang umabot na ako malapit sa bridge, kinakabahan lalo ako dahil may high note na sa susunod.

"But baby love is here and now there's...

Two less lonely people in the world and it's gonna be fine..." Shems buti nakayanan ko. Namangha sila nang magawa ko yun.

May isa pang mas mataas na note kaya hinanda ko sarili ko. Iniisip ko si Basti habang kinakanta ko yun.

"Tonight.... Oooh.... Oh.. I just can't believe your mine.."

"Something finally went right, now there's two less lonely people, two less lonely people in the world..." Hininaan ko na nang kaunti ang boses ko. Kinontrol ko yung power ng voice ko para mas maganda. Tumingin ako sa kanya.

"Tonight..." Saktong-sakto kanta ko dahil gabi na rin hahaha!

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao after kong kumanta.

"Wow! Napakagaling! Teka lang dito ka muna hahaha!" Bababa na dapat ako eh. Saka lang naman ako nakakaramdam ng hiya tuwing pagkatapos kong magperform.

"Sobra partner pero alam mo may napansin ako kanina eh."

"Ayy ako rin."

"Parang may tinitingnan siya doon," tinuro ni Ate Hazel yung pwesto nina Basti. Tinutulak-tulak naman siya nina Marah.

"Nandoon ba yung isa sa two less lonely people?"

"Hahaha! Opo!"

"Anong name niya? Pwede ba naming malaman?"

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon