Chapter 13: Misunderstandings

25 6 0
                                    

Chapter 13: Misunderstandings








Mabuti naman at medyo gumaan-gaan na ang pakiramdam ko. Umaayos na rin ulit ang flow ng academics ko. Na-pressure lang talaga ako nang sobra at masyado ko yung dinamdam. Buti na lang, na-comfort ako ni Basti.

Sabay-sabay kaming naghapunan nina papa at hindi ko naman inaasahang bigla nyang i-oopen ang topic about kay Basti.

"Saan pala nag-aaral yung manliligaw mo?"

"Uhm, si Basti po?"

"Oo di ba siya yung nanliligaw sayo."

Tumango ako, "Sa private school siya nag-aaral".

"Ahh, eh anong balak niyang kuning kurso sa college?"

"Tourism Management daw po. Di rin naman daw siya dito magca-college eh."

"Saan?"

"Baka sa ibang bansa."

"Baka naman boyfriend mo na yan ha di mo lang samin sinasabi," biglang sabat ni mama. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi pa po..." iritable kong sinabi sa kanya. Ayoko talaga munang sabihin sa kanila dahil baka magalit sila sa akin pati na rin kay Basti. Gusto kong may mapatunayan muna sa kanila bago ko yun sabihin.

Para kahit na magalit sila sa amin dahil tinago namin nang matagal, eh wala naman silang maisusumbat dahil pareho naming nabalance ang priorities at relasyon namin.

After kong maghugas ng plato, bumalik ako sa paggawa ng mga tula para sa kanya. Minsan sa isang gabi nakakagawa ako ng apat. Ayaw kong ipilit ang mga salita na ilalagay ko dito dahil mas maganda ang isang tula pag concise yung pagkakasulat nito. Sana nga lang ay maappreciate niya.

Ibarraaaa messaged you:
"Musta ka? Okay na ba kayo ng parents mo?" Itinuloy ko muna ang last line na tinatype ko sa laptop bago ko siya nireplyan.

"Ok naman na, tapos kanina napag-usapan ka namin."

"Ayy weh? Bakit?"

"Ewan ko nga kila papa eh. Ang nakakagulat pa dun, mukhang may hinala na si mama na tayo na."

"Hala? Wait di pa ako ready mamatay."

"Sira ulo! Hahahaha!"

"Hahahaha! Joke lang."

"Kaso, natatakot pa ako na ipakilala ka eh. Handa ka na bang ipakilala kita sa kanila if ever?"

"Hindi pa rin eh... Nahihiya pa kasi ako sa family mo. Parang wala pa akong maipagmalaki eh kaya wag muna."

"Paanong wala?"

"For sure naman ang gusto ng parents mo na lalaki para sayo is gwapo, matalino, magaling din sa acads tulad mo kaso hindi ako ganoon babe eh."

"Babe, matalino ka naman eh kaso tinatamad ka lang. Pogi ka, hindi ka lang naniniwala. Saka napakabuti mo sa akin, gusto kong maappreciate nila yung magandang personality mo."

"Pero gusto ko pa rin na may mapatunayan sa kanila. Papataasin ko muna grades ko."

"Okayy sige sige."

"I love youuu!"

"I love you tooo!"

Pumunta kami nina Casey at Rio sa mall. Maghahanap kasi kami ng pangregalo para sa Kris Kringle namin. Akalain mo yun, last month na ng taon.

"Ano nga yung unang something?"

"Something weird daw."

"Hmm, ano ilalagay ko? Pustiso na lang kaya?" biro ni Rio.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now