10

444 21 2
                                    

"U-Uy, Kian. Hindi magandang biro 'yan."






Kinakabahan ako habang hawak niya ako sa kamay at hinihila paakyat. Jusko po, hindi pa po ako handang sundan si Adira. Ang hirap manganak! Halos lumuwa na yung matres ko kakairi. Sana naman, may prote--the fuck I'm thinking about? Stop it, Chleign. Kailan pa dumumi utak mo?




"Wala naman akong gagawin sa'yo. Baka nga ikaw yung may pinaplano sa'ki--"




Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko kaagad ang bibig niya gamit ang kamay niya. Inirapan ko siya dahil sa hiya pero tinawanan lang ako ng walang hiya. Wooh, rhyming.





"Ano ba. Ang bastos mo," Kunot noo kong sabi. Inalis naman niya ang kamay niya sa bibig niya saka kinurot ang pisngi ko. Tinabig ko naman ang kamay niya. "Ano ba!"



 

Napahawak naman siya sa dibdib niya na para bang nasaktan, nakaramdam bigla ako ng guilt. Magsosorry na sana ako kaso bigla siyang tumawa ng nakakaloko at napatili ako nang bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal at nagpatuloy sa pag akyat. Nahiya ako sa ginawa kong pag tili dahil baka kung ano ang isipin ng mama niya.





Hoo! Tulungan n'yo po ako! Pero may side sa'kin na parang gusto--Gra! Chleign!





"Kian naman eh!" Parang bata akong pumapalag pero hindi iyon sapat para mabitawan niya ako, imbes ay hinigpitan niya pa. Ang laki naman kasi ng katawan nito. Parang dati lang eh tingtingin pa 'to pero ngayon... hay ang dami talagang pinagbago.




"Chill, babe. Masyado kang hot." Nagtaas baba pa ang kilay niya.





Nanahimik nalang ako at sumimangot hanggang sa makarating kami sa itaas. Ibinaba niya ako sa tapat ng pinto na kulay itim na mukhang kwarto niya. Pagbukas ng pinto ay hinila niya na kaagad ako papasok kaya hindi ko na nailibot ang paningin ko, basta malamig at mabango, kaamoy niya.





"Ano ba kasing paguusapan natin at--Ouch!" Napadaing ako nang maramdaman kong tumama ang likod ko sa likuran ng pinto na nakasara. Pagdilat ko ay halos maduling na ako sa lapit ng mukha ni Kian. "O-Oy, naman eh." Medyo tinulak ko pa siya sa dibdib pero parang nanghina ako bigla at nawala ang lakas ko.




Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang likuran ng palad niya na dumausdos pababa sa pisngi ko. Parang may bolta boltaheng kuryente ang dumaloy doon at nagdulot iyon ng kiliti sa aking tiyan. Jusko, feeling ko teenager ako na kinikilig dahil napansin siya ng crush niya.

Part Time Celebrity 2  (Completed)Where stories live. Discover now