CHAPTER 35❤️

1.1K 44 10
                                    

XIAN KENNETH LIM

"Come in."

"CEO Lim. Sasabihin ko lang po sa inyo na tumawag sa akin si Ms. Kassandra Coleen Chan."

"Okay. Ano sabi niya sayo?"

"She said she like to take a break."

"Ano naman ang naging sagot mo sa kanya?"

"Sabi ko po sa kanya kailangan ko muna ng approval ninyo."

"Okay. Hayaan muna natin siya mag-leave ng ilang araw."

"Okay po."

Si Ms. Janice Dee iyon ng HR. Pinaalam niya sa akin na hindi muna makakapasok sa trabaho si Coleen. Siguro dahil sa nangyari kahapon.

Kinagabihan pumunta ako sa Grandville kung saan nakatira si Coleen. Pinasok ko muna sa garahe namin ang kotse ko. Saka naglakad papunta sa gate nila Coleen.

Pinapasok naman ako ng guard nila dahil nga kilala ako nito. Nakita ko naman si Manang Delia. At sinabi nasa kusina daw si Coleen kaya dumeretso na ako doon.

"

Bakit ka nandito?"

Tanong niya kaagad pagkakita niya sa akin.

"Hindi ba ako welcome dito?"

Sagot ko naman.

Hindi siya kumibo. Halata sa mukha niya ang lungkot at ang galing sa pag-iyak. Umupo na ako sa harap niya.

"Umiiyak ka ba?"
Tanong ko kahit na halata naman.

"Wala akong balak na sagutin ang mga tanong mo."
Pabalang niyang sabi.

"Dahil ba sa work o dahil sa akin sa atin?"

"Bakit naman magiging dahil sayo o sa atin? Wala kang pakialam kung umiiyak man ako o hindi. Wala kang kinalaman doon."

Halata sa boses niya ang galit.

"I know that. Dahil sa puso mo kasi si Derrick Ken ang priority mo right?"

Napatayo siya bigla ng sabihin ko iyon. Bakit totoo naman di ba?

"Sa Opisina ikaw ang Boss ko pero ngayon wala tayo sa trabaho. At hindi ko alam kung bakit ka nandidito sa bahay ko at tatanungin ng kung ano-ano? Are you discipling me?"

Sabi niya sakin.

"I didn't want to discipline you?"

"Umalis ka na para maligpit ko na ito."

Pinigilan ko siya.

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. At nagkatinginan kami.

"Nakalimutan mo na ba? Na sabi mo ipapatikim mo sa akin ang mga luto mo."

Binawi niyang bigla ang pagkakahawak ko sa kamay niya at saka nag-iwas ng tingin.

"Sa wakas matitikman ko na ang mga luto mo."

Excited kong sabi dahil ito ang unang beses ko matitikman ang luto niya.

Pwede bang maupo ka at kumain kasabay ko?"

"Arranged Marriage"Where stories live. Discover now