CHAPTER 53❤️

1K 30 17
                                    


Xian Kenneth

Napaisip ako sa sinabi ni John Oliver. Tama nga siya ito na ang tamang panahon. Para sabihin kay Coleen ang nararamdaman ko.

Agad agad ako umuwi sa Villa pagkatapos ng pag-uusap namin ni John Oliver.

Nakasalubong ko si Aling Nena.

"Sir Kenneth nakauwi ka na? Dito ka ba manananghalian?"

"Aling Nena si Coleen po?"

"Ay.. umalis na. Sabi niya-----

Hinawakan ko sa balikat si Aling Nena.

"Hayaan niyo na po. Sige po iwan niyo na po ako. Bumalik na kayo sa ginagawa niyo."

"Sige. Magluluto na ko ng tanghalian."

Naupo ako sa sofa sa sala. Inilabas ang isang kwintas na ibibigay ko kay Coleen. Ang kwintas na ito ay half heart ang pendant.

"Xian."

Narinig kong tinawag niya ako. Kaya lumingon ako para masiguradong nandito siya at hindi ako nag-iimagine lang.

Nakita ko siya nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"May gusto akong ipakita sayo."

Sabi ni Coleen.

"Akala ko umalis ka na naman."

Sabi ko ng hindi pinansin ang sinabi Niya. Yumakap din siya sa akin ang mahigpit. Sa sobrang saya ko hindi ko na mapigilan ang lumuha.

Pinakita niya sa akin ang mga dala niyang painting. Mga Painting ito na siya mismo ang may gawa.

"Kaya ka ba umalis ay para umuwi at kuhanin ang mga ito?"

"Oo. Hindi ko alam ang gagawin ko para Hindi ka na magalit sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. But my heart is the same as you. Kaya naisip ko na kapag nakita mo ang mga ito maiintindihan mo."

Tiningnan ko ulit isa isa ang painting. Painting ito na mukha ko simula pa ng college at hanggang ngayon.

"Nito mga nakalipas na taon lahat ng ito ay pininta mo."

"Oo base sa naalala ko sa mukha mo."

"Alam mo bang noong nasa Hong Kong ka tumawag ka sa akin?"

Sabi ko sa kanya. Siguradong hindi na niya maalala.

"Talaga tumawag ako? Ano sinabi ko?"

"Sinabi mo na hintayin kita at babalik ka. Kaya naisip ko kapag bumalik ka na gagawin kita assistant ko."

"Hindi ko maiintindihan. Ang alam ko kasi sa company ako ni Papa mo magtratrabaho."

"Ang company ni Papa ay ako na din ang namamahala."

Kita sa mukha ni Coleen ang gulat.

"Ibig sabihin ikaw ang lahat ng nag-arranged mula ng bumalik ako dito."

"Tama."

"Bakit mo ako dinala dito kagabi."

Tanong niya sa akin.

"Hindi ba nag-resign ka na at may Kumakalat pa balita sa amin ni Abigail. Natatakot lang ako. Natatakot ako iwan mo ulit tulad noon."

Sabi ko sa kanya.

"Kung ganon....ikaw at si Abigail---

"It's not real. Kailangan lang namin para sa reputation. Umaakting lang kami. Simula noon pa ang laman ng puso ko ay ikaw lang talaga."

Nakatinginan lang kami sa mata. Habang sinasabi ko iyon. Napangiti si Coleen. Kaya napangiti na din ako dahil sa wakas. Malinaw na sa kanya ang lahat.

"Sira ka talaga."

"Do you feel proud?"

Panunukso ko sa kanya.

Natawa Naman kami pareho. Hinawakan ko ang kamay ni Coleen at hinalikan ito.

"Punasan mo ang luha mo at pumikit ka."

Sabi ko at pinunasan nga Niya pero ang mga mata nakadilat pa rin.

"Pumikit ka na bilis."

"Bakit ba?"

Pinipilit ko papikitin ang mata niya pero binubuksan pa din. Nung pumikit na talaga siya doon ko na inilabas ang kwintas.

"Bibilang ako saka ka dumilat."

"Okay."

"3....2...1"

Pagdilat niya nakita niya ang isang kwintas. Hinawakan niya ito para tingnan.

"Bakit Kalahati lang ang puso."

Pansin Niya.

"Makikita mo sa pendant na yan ang name ko at ang kabiyak Naman niya ay nasa akin at nakalagay ang name mo."

Pakita ko sa kanya ng kabiyak ng pendant na suot ko.

Pagkatapos ay isinuot ko na sa kanya.

"Sa oras na masuot mo na ito. Ikaw--

Bumulong ako sa kanya.

"--ay hindi na makakawala o makakaalis sa akin."

Hahalikan ko na sana siya kaya lang nagkaroon ng ilangan sa isa't isa.

Nakatawanan.

Sinubukan ko muling halikan siya. Hanggang sa nakarating kami sa kama.



❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Hi guys hindi ko na dinitalye ang nangyayari sa kama alam niyo na iyon malalaki na kayo 😂😂😂

Salamat sa mga VOTE at Comment

"Arranged Marriage"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon