"Huh?" parang engot na sabi ko

Galit na hinawakan niya ang isang braso ko at iniharap sa kanya. "Tapatin mo nga ako, Charmaine, gusto mo ba si Troy?" nanlilisik ang mga matang tanong niya

Napalunok ako at hindi ko magawang sumagot.

"Kung papipiliin ka, sino ang mas gugustuhin mong makasama? Ako o si Troy?" nagbabantang tanong niya

Napakagat ako sa ibabang labi. Alam ko kung ano ang gusto ko pero hindi ko kayang saktan siya. I don't have a heart to break him.

"Sigurado ka ba na gusto mong marinig ang sagot sa tanong mo?" 

Napalingon kami kay Ate Carmi na nakamasid sa may gate.

"Isn't it obvious? That btch is in love with Troy. She loves my boyfriend" she said in her btchy tone.

Napatungo na lamang ako. I can't deny it!

"Shut up!" sigaw ni Jayden

"Bakit? Masakit ba na marinig na ginagamit ka lang niya? Na hindi naman ikaw ang mahal niya kung hindi si Troy? Tanga ka ba o bulag? Baka naman pareho. Kasi halata naman kung ano'ng nararamdaman ng malanding 'yan kay Troy! Kahit aso maiisip 'yon!" nang-iinsultong dinuro niya pa ako.

Hindi ako nakakibo. Hindi ako sanay na makipag-away. Lumapit si Ate sa akin at hinila ang buhok ko.

"Akala mo kung sino kang santa, e malandi ka naman! Sa dami ng lalandiin, 'yong may girlfriend pa ang napili mo! Kung makakilos ka Maria Clara, e sa totoo Maria Ozawa ka naman! Bakit ganoon sa'yo si Troy?! Nakama ka na ba niya?! Ha?!" gigil na hinila niya ang buhok ko.

Tahimik na umiyak na lamang ako at sinubukan na pigilin ang mga kamay niya.

"Bakit hindi ka makasagot?!" inis na sigaw niya pa.

"TAMA NA!" awat ni Jayden at malakas na binaklas ang mga kamay ni Ate sa buhok ko.

"Ipagtatanggol mo pa 'yan?! E ginag*go ka din niyan!" dinuro pa ako ni Ate

"Stop acting like a girlfriend! Hindi naman na kayo ni Troy!" sigaw ko na din.

Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Pero pakiramdam ko ay gusto kong isigaw iyon. 

"Aba't!" umakma si Ate na susugurin muli ako.

Hinila na ako ni Jayden papasok sa kotse niya at umalis kami doon.

Tahimik na umiiyak na lamang ako.

Dinala niya ako sa park ng village namin.

Nakaupo kaming dalawa sa swing.

"Totoo ba?" mahinang tanong niya

"I'm sorry" umiiyak na sagot ko. There's no use of lying. 

"B-Bakit, Maine?" umiiyak na din siya. "Sana hindi mo na lamang ako pinaasa. Kasi mas nakakag*go na sinagot mo ako nang hindi mo naman ako mahal. Ginawa mo lang akong panakip-butas" 

"S-Sorry, Jayden" umiiyak na sabi ko at lumuhod ako sa harap niya. "Hindi ko sinasadya. Sinubukan ko na mahalin ka. P-Pero..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. I don't want to rub some salt on his wounds.

"Pero siya ang mahal mo" mapaklang tumawa pa siya. "It's obvious, Maine. The way you look at him. Noong una niloloko ko pa ang sarili ko. Pero ngayon parang isinasampal mo na sa akin" Tumayo na siya. "Well, I guess it's a goodbye"

Gambling HeartsWhere stories live. Discover now