Chapter 43

44.9K 884 74
                                    

MAINE'S POV

"Pagod na ako, hon" reklamo ko kay Troy.

Gaano kaliblib ba naman kasi ang pupuntahan namin? Nakakapagod kayang maglakad. Halos dalawang oras na yata kami naglalakad dito sa gubat. Ang lamok pa at may mga gasgas na din ako dahil sa mga dinadaanan namin.

"Hindi naman tayo pwedeng magpahinga, hon. Kapag nahiwalay tayo sa grupo, baka maligaw tayo" sagot niya at kinuha pa ang bitbit ko na bag.

Isang grupo kami dito na magka-camping sa gubat. May mga couples din at magbabakarda. Kaninang nagsisimula pa lamang kaming maglakad ay nag-kwentuhan kami. Ang grupo ng mga magkaka-klase ay nandito para sa research project nila. Ang ibang couples naman ay tulad namin na adventure lamang ang hanap. 

Kahit na pagod na pagod na ako at pakiramdam ko ay bibigay na ang mga binti ko, itinuloy ko pa din ang paglalakad. Humigpit ang kapit ko kay Troy nang makarating kami sa isang hanging bridge.

"You'll be fine, honey. Nandito naman ako, hindi kita pababayaan" Troy assured me.

Kaya kahit na takot na takot ako, pikit mata akong tumawid.

Nang makatawid kami sa hanging bridge, mga sampung minuto pa kaming naglakad nang makakita kami ng camping site. Namangha ako sa ganda ng paligid. Sulit na sulit ang lahat ng pagod namin sa paglalakad. Nagsimula nang kumuha ng mga litrato ang mga kasama namin. 

"Beautiful" manghang sabi ni Troy. 

Nang lingunin ko siya ay nakita ko na hawak niya ang phone niya at kinukuhaan ako ng litrato. 

Binulsa niya ang phone niya at bigla akong niyakap. 

"Thank you, hon" malambing na sabi niya at hinalikan pa ang pawis kong noo.

Yumakap din ako sa kanya. Kahit pawisan at nababad sa araw ay ang bango pa din niya.

"For what?" tanong ko sa kanya

"For coming with me. Kasi palagi mo akong pinagbibigyan sa mga ganito kahit na hindi mo naman talaga hilig 'to" sagot niya.

Napangiti na lamang ako. "Enjoy din naman e. You're such a nature lover, Mr. Amante" 

He chuckled. 

Sinabi ng guide na pwede nang maglatag ng mga tent. 

"Ayusin ko lang 'yong tent natin" paalam ni Troy at nagsimula nang buklatin ang binigay sa amin kanina nang nag-register kami.

Umupo ako sa isang bato at kumuha ng tubig at uminom. Huminga ako nang malalim. Hinilut-hilot ko din ang mga binti ko. Pinanood ko si Troy na abala sa pagtatayo ng tent. Parang ni hindi man lamang siya hinihingal, tila wala lang sa kanya ang mahabang lakaran.

"Parang sanay na sanay ka sa ganito" sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Yes, my Amante. Sanay ako sa ganito. 'Yong ex-girlfrined ko kasi may malaking rancho noon. Tapos n'ong bakasyon, sa probinsya nila kami nagbakasyon. Second year high school lang ako that time. Tapos may kakahuyan sa may rancho nila. Doon kami naligaw" tumawa siya. "Doon ko na-realize na masaya palang mag-camping"

"Ilang araw kayong naligaw?" tanong ko sa kanya. Nakakaramdam ako ng selos sa babae na 'yon!

"Eighteen hours" sagot niya.

"Saan kayo natulog?" tanong ko pa

"Hindi kami natulog. Lakad lang kami nang lakad hanggang sa makabalik kami sa kalsada. Kapag napapagod na kami, titigil kami tapos kakain kami. Buti nga may picnic basket kami" mukhang natutuwa siyang alalahanin iyon. Ako naman ay selos na selos na ewan.

Gambling HeartsWhere stories live. Discover now