Chapter 53

46.1K 959 56
                                    


MAINE'S POV


"Baka mapilayan si Avery. Hindi ganyan, Sir Eric. Alalayan mo ang likod ng bata" alalang sabi ni Fallon habang inaayos ang pagkakahawak ni Eric sa anak.


"Ginagawa ko naman ang mga sinasabi mo" reklamo ni Eric


"Basta palagi mong aalalayan ang likod" paalala ni Fallon



Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Troy sa akin. Nakaupo siya sa buhanginan at ako ay nasa harapan niya nakaupo, sa pagitan ng mga hita niya.


"Mukha silang mag-asawa" bulong ni Troy sa akin


Napangiti ako lalo. "Bagay na bagay nga sila. Mukhang dumating na ang babae na hindi madadala sa kakalandi ni Eric"


"Komplikado din ang lovelife ng isang 'yan e" sabi ni Troy at kinuha ang kanang kamay ko. Nilalaro-laro niya ang singsing sa kamay ko.


"Bakit?" tanong ko sa kanya at nilaro ang balahibo sa binti niya


"Basta. 'Wag na nating pakielaman" sagot niya at hinapit pa ako lalo.


Nanahimik na lamang ako at tumanaw sa malawak na dagat. Kontento na ako na ganito lamang kami. Basta malapit lamang kami sa isa't isa.


"Whoa! Who's that girl, Neil?" napalingon kami ni Troy dahil sa tanong na iyon ni Eric.


Nakita namin si Neil na may kasamang tatlong babae. Ang isa ay si Nicolette, ang isa ay si Catherine, at ang isa ay hindi ko kilala, na siya sigurong tinutukoy ni Eric.


"Saskia Aragon!" tili ni Fallon. "Seriously?!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Fallon


Nagkasalubong ang mga mata namin ni Saskia Aragon. Medyo nangangalay na ang leeg ko dahil kailangan ko pa siyang lingunin dahil nasa bandang likuran namin sila. At mas naging mahirap ang lumingon dahil tila walang pakielam si Troy at bumaling nang muli paharap sa dagat.


"Don't mind them" bulong sa akin ni Troy at malambing na hinplos ang mga braso ko at siniksik ang mukha sa leeg ko.


Ngumiti na lamang ako kay Saskia at bumaling nang muli paharap sa karagatan. Hinihintay kasi namin ni Troy ang sunset.


Dalawang linggo na mula nang bumalik kami galing sa Baguio. Nagkausap na din kami ni Catherine nang masinsinan. Humingi din siya ng tawad.



[flashback]


"We have to talk to you, Catherine" seryosong sabi ni Troy nang maabutan namin si Catherine sa sala nang makabalik kami sa bahay.


Gambling HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon