Chapter 3

83.2K 1.1K 37
                                    

CHARMAINE'S POV


"Girl, sino'ng type mo sa grupong 'yon?" siniko pa ako ni Melissa nang hindi ko agad pinansin ang sinabi n'ya.

Mula sa librong binabasa ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nginuso niya sa akin ang isang parte ng gym. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko ang grupo ng limang kalalakihan. Agad na napako ang tingin ko sa isang partikular na lalaki.

Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang angkin niyang kakisigan. I once saw him up close and I can't take my eyes off him. He have expressive eyes with thick long lashes. His brows are drawn perfectly and it made him looks so manly. He has aristocratic nose and thin red lips. He looks like a perfectly sculpted man. Mula ulo hanggang paa, wala kang maipipintas. His hair is long and wavy and always messy and it made him look a little arrogant, but in a sexy way. I see him as a magnet that always pulls attention whenever he walks into a room. And his smirk... iyon ang pinakagusto ko sa kanya. He also have a little diamond earing in his left ear. I almost didn't noticed it the first time I saw him kung hindi pa kumislap. 

He's a perfect rude gentleman in my eyes. 

First time kong na-attract nang sobra sa isang lalaki nang makita ko s'ya. Nagkakaroon ako ng crush sa mga artista pero hindi ko maintindihan kung ano'ng espesyal sa kanya. Nang makita ko s'ya just a meter away at matitigan ko s'ya, hindi ako nakatulog the whole night thinking about him. Parang may kung ano sa pagkatao n'ya na binuhay ang lahat ng kyuryosidad sa katawan ko. Hindi siya mawala sa isip ko.

"'Wag mo ngang hawaan si Maine ng mga kahalayan mo" singit ni Jayden sa usapan. Nasa bandang likod namin s'ya ng bleachers at katabi n'ya si Allen na busy sa sinasagutan n'yang assignment.

"Mahalay agad?" sagot ni Isay kay Jayden at marahas din s'yang lumingon sa kinalalagyan ni Jayden. "Hindi ba pwedeng appreciative lang?"


Hindi sumagot si Jayden at binato lamang si Isay ng kinakain n'yang Nagaraya. 

"I like the one named Trent. The guy in the blue shirt" sagot ni Gabriella sa tanong ni Isay kanina. "Matalino daw 'yan sabi ng kaklase ko sa History" umupo na din s'ya sa kabilang tabi ni Isay.

"Ako, si Neil" kinikilig na sabi ni Isay. She's the kikay in our group. Kung magpalit 'yan ng crush, parang nagpapalit lamang ng damit. Pero hindi naman nagbo-boyfriend.

"Crush? Ang lame naman ng word na 'yon" Tim butted in. The mahaderang baklita

"'Wag n'yo na ngang dumihan ang utak ni Maine sa mga kahalayan niyo" seryosong sabi ni Allen na busy sa pagso-solve ng assignments niya. 

"Mahalay agad? Inggit lang kayong dalawa kasi wala kaming ma-appreciate sa inyo" banat ni Isay na kinataas ng kilay ni Jayden.

"I like fafa Eric" patiling sabi ni Tim

"Eew" komento ng bagong dating na si Erica. "Cheap ng taste mo" 

"At vahkeht?" humalukipkip pa si Tim

"Siya kaya ang pinakapangit sa grupo nila" nakangising sabi ni Erica at umupo sa tabi ko.

"Edi pangit ka din?" tanong ulit ni Tim.

"Pwede din. Pero dahil ikaw ang kasama ko, gumaganda ako" nang-aasar na tumawa pa siya.

"Kapal mo ha!" hinampas ni Tim si Erica sa braso.

Gambling HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon