Chapter 27

41.4K 849 127
                                    

MAINE'S POV


Tinignan ko kung sino ang nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako. Nakita ko si Cha at natigilan siya nang makilala ako.

"Did he shouts at you? Ikaw 'yong babae sa office ni Troy kahapon, right? Bumalik ka pala. Nasigawan ka ba niya?" tumabi siya ng upo sa akin at inabutan ako ng isang panyo. "Mukha kang mabait at hindi paglandi lang ang sadya kay Troy Lancer. 'Wag mo nang damdamin ang ginawa ng lalaki na 'yon, gan'on lang talaga 'yon." Hinagod niya pa ang likod ko. 

Why is she acting so kind? 

"Ano nga pala ang sadya mo kay Troy Lancer?" tanong niya. Natigil na ako sa pag-iyak at hindi ko tinanggap ang panyo niya, sa halip ay kinuha ko ang panyo ko sa bag. "Kung maghahabol ka lang din sa kanya at sa alaga niya, naku 'wag nalang. Hindi ka bagay maging kahanay ng mga babae ng g*go na 'yon. Mukhang disente ka pa naman at matino. May asawa na si Troy Lancer kaya 'wag ka na mahulog sa charms n'on. Hindi lang 'yon mukhang badboy, masama talaga ang ugali niya!" ngumisi siya sa akin.

Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Tumayo ako at tumayo din siya. 

"I know that he's married, I'm his wife" seryosong sabi ko sa kanya

Napasinghap siya at pinakatitigan ang mukha ko.

"Kaya pala! You look so familiar!" manghang sabi niya. Then bigla siyang umismid. "And now I know kung bakit gan'on siya sa'yo kahapon"

"What do you mean?" tanong ko sa kanya. "Babae ka ba ng asawa ko?" matapang na tanong ko.

Natigilan siya at mukhang nagulat sa tanong ko. Laking inis ko nang bigla siyang humalakhak.

"Woah!" tinaas niya ang mga kamay at pinipigilang tumawa. I got irritated. I crossed my arms at my chest. Ano ba'ng nakakatawa?

"What's so funny?" tanong ko. 

Tumikhim siya at huminga ng malalim, para siguro pigilan ang pagtawa. "I am not one of Troy's btches, okay?" sabi niya. "I can never imagine myself in the same bed with that brute" bulong niya pa.

Kinunutan ko siya ng noo. Nakalimutan ko na ang iniiyak ko kanina. Was this woman fooling with me? Who wouldn't want to be with my husband?

"If you're not one of my husband's bimbo, what was a physical therapist doing in my husband's office?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Tumaray na din ang mukha niya. "Will you please stop accusing me of being my friend's bitch? If you're only here when he needs you, we'll never have the chance to be so close" seryosong sabi niya. "Troy Lancer is my friend. And I can say that you're fully aware of him being a playboy. Aware ka naman pala, bakit mo siya iniwan? You know what, if I want to, I can get him from you. Kasal lang kayo sa papel, pero hindi pa naman consumated ang kasal niyo, tapos hiwalay pa kayo, madali nang mapapawalang bisa" nginisian niya ako, 'yong tipong nang-iinsulto. "I don't get your logic. You look like a martyr wife but you're not being a wife after all. You should have stayed beside him a year ago. You're a lucky btch to gain his love. Pero sinayang mo"

I clenched my fist. What did she know? She's just his PT! 

"I have my reasons" matapang na sabi ko sa kanya.

She crossed her arms on her chest. "Yeah, right. You just can't go home. Inuna mo ang ibang tao. Kailangan ka ng iba, pero kailangan ka din naman ng asawa mo."

Gambling HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon