CHAPTER 23

1.2K 29 1
                                    

DENNISE MICHELLE LAZARO

Andali ng panahon, 2 days from now gaganapin na ang Volleyball Championship Tournament.

Hindi kasi ako masyado nanonood ng Volleyball o nakikibalita man lang nung nasa college ako sa Xavier, dahil parang mas nadidisappoint ako sa sarili dahil hindi ako nakakapag laro.

Yes. I was a Volleyball Player before, nung nasa junior high palang kami ay nag lalaro na kami sa mini tournament sa ibat ibang school, parang district meet lang naman. Dun ko rin nakilala si Rain Stenfield.

Sophomore ako at sya ay isang rookie lang, wala syang masyadong naging kaibigan sa school nya. Hindi ko nga rin alam na apo pala sya ng may ari ng school.

Sa Stenfield na talaga sya nag aral ever since, pero dahil sa katigasan ng ulo nya nag pumilit syang mag aral sa U.S nung grade 7 palang sya.

Doon nya daw nadiskobre ang galing at hilig nya sa Volleyball. Hindi narin ako mag tataka dahil professional athlete ang nag turo sakanya.

Pero isang taon lang sya doon nag lagi dahil kinuha ulit sya ng lolo nya at dito pinag patuloy ang pag aaral. Parehas kami grade 8 ng sapilitan syang isali ng lolo nya sa Womens Volleyball, grade 7 plang ay rookie na ako sa Stenfield junior women's Volleyball. Kaya naging sophomore lang ako nung grade 8, habang si Rain naman ay kakapasok palang ay rookie pa lamang sya.

Pero hindi narin masama, dahil sa lahat ng practice namin ay lagi syang apple of the eye ng mga coaches at trainers namin. Mayabang si Rain sa lahat ng bagay, hindi ko alam kung pano ko sya naging kaibigan.

Basta nag simula lang noon ng ma facial hit ko sya nung practice namin, kahit naman Libero ang position ko dahil sa height ko ay kaya ko parin mag backrow attack.

Akala ko magagalit sya sakin dahil nasaktan ko sya, natakot pa naman ako nun dahil apo sya ng may ari pero nag kamali ako ng akala. Bigla na lang syang lumapit sa akin at gusto akong maging kaibigan. Ang rason nya? Ako lang daw kasi ang naka facial hit sakanya.

Kaya araw araw kaming mag kasama, before, during and after practice. Until na develop ang feelings nya sakin, hindi ko alam that time na she's a lesbian. Then she admit her feeling to me, pero dahil straight ako that time ay na reject ko lang sya.

Alangan naman bigyan ko sya ng chance na wala naman kasiguraduhan kung mahuhulog nga ba ako sakanya? Mas mabuti nang ipranka ko sya para tigilan na nya ako.

Si Rain ang tipo ng tao na parang walang sinusukuan, parang determinado sa lahat ng bagay. Kaya nagulat ako ng hindi na nya ako kinulit ligawan at naging matalik nalang na mag kaibigan.

But the saddest part ay nung napilitan ako mag quit sa larong pinaka gugusto ko. Hindi dahil sa ginusto kong mag hinto sa pag lalaro, kundi dahil kinailangan kong itigil ang pag lalaro dahil sa kondition ko.

Balak ko talaga nun sa Stenfield parin mag college but i decided na wag nalang. Gusto kong mag iba ng environment, yung walang nakakakilala sa akin. Mas gusto kong iwasan ang katotohanan kesa sa harapin ito.

Pati mga magulang ko ay nag tataka kung bakit ko hininto ang dati kong pangarap, ang makasali sa National Team. Pero hanggang pangarap nalang iyon, hindi kuna siguro iyon matutupad.

Ok naman ang naging buhay ko sa Xavier University,  yun nga lang ay sobra kong namiss ang mga naging kaibigan ko lalong lalo na ang bestfriend kong si Ella. Pero 2nd year kami ng muli ulit nag cross ang landas namin, so nag karon ulit kami ng communication.

Sya rin ang nasabihan ko tungkol sa health condition ko dahil nga sa hindi ko masabi sa mga magulang ko ang sitwasyon ko.

Sa 4 years kong pananalitili sa Xavier ay madami din akong naging ka close, lalo na doon si Joanna. She's like a sister to me thou, pati narin ang ang bestfriend nitong si Faith na ngayon ay naging kaibigan kuna rin.

ATENEAN SERIES 1: ARRANGE MARRIAGE TO A CAMPUS PLAYGIRL (AlyDen)Where stories live. Discover now