CHAPTER 17

1.3K 32 1
                                    

ALYSSA VALDEZ

7 pm na natapos ang klase ko, masyado ng madilim sa parking lot sa mga oras na ito. Nauna na rin umuwi sina Bea at Deanna. Kaya ako nalang ang mag isang uuwi, usually kasi sabay sabay kaming tatlo umuuwi. Hindi naman ako natatakot kasi may kasabay naman akong lumabas ng gate. Dumeritso ako sa parking area, medyo dim ang light sa bandang likuran, dun ko kasi pinark ang kotse ko.

Pasipol sipol pa akong nag lalakad patungong bandang likuran

Naka uwi na kaya si Dennise? Buhat kasi kaninang umaga ay hindi kupa ito nakikita. Sana naman ay naka uwi na sya.

An involuntary smile crept on my lips.
Nababaliw kana talaga baldo!

Malapit nako sa kotse ko ng may biglang lumabas na grupo ng mga kalalakihan. Agad binalot ng kaba ang puso ko.

Shit mag isa pa naman ako!

"Well..Well...Well.."

Mahina at mabagal na turan ng lalaking naka cap, he's holding a baseball bat.

"Look who's here?"
Paki wari ko ay nakangisi pa ito.

"Alyssa Valdez.."
Sulpot naman ng isang lalaki na medyo malaki ang pangangatawan.

Bali tatlo sila at ako lamang mag isa, dalawa ang lalaking naka cap pero isa lamang ang may hawak na baseball.

Yung isang lalaki naman na tumawag sa pangalan ko, hindi ko masyado maaninag ang mukha nito.

Nakasandal kasi ito sa may compartment ng kotse ko.

Kahit nanginginig ay hindi ako nag pahalata. Ano naman kelangan neto?

"Ano kailangan nyo?"
Cool ko lang na tanong, ayokong ipakitamg kinakabahan ako dahil baka tumaas pa ang kompyansa nila sa sarili.

Kung titingnan ay parang wala lang sa akin ang lahat ng nangyayari, pero hindi. Alam kong sa loob loob ko ay kinakabahan ako.

Hindi ako ganun kalakas tulad ng mga lalaki, hamak na isang babae lang din naman ako.

Sana nga ay wala sila sa akin gagawin na masama dahil pagnagkataon ay wala akong kalaban laban.

Ibinulsa kuna man ang dalawa kong kamay sa may likuran ng bulsa ng pantalon ko. Namamasa na ito buhat ng kaba

Pagkatapos ay ngumisi sa akin yung lalaking naka sandig sa kotse ko saka dahan dahang lumapit sa akin.

Para naman nahigit ko ang hininga ko.

"Ikaw kailangan ko.."
Mababa at serysuso nitong tugon. Mababanaag ang Panganib sa boses nito

Pero tinatagan ko lang ang loob, tiningnan sya ng taas noo at pilit tinatago ang kabang naratamdaman ko.

"Bakit?"
I almost whispered that words. Nakalapit naman ito ng walang kahirap hirap. Bitbit ang ngisi sakanyang mga labi

Nang maaninagan ang kanyang mukha ay nangunot ang noo ko.

Hindi ko sya. Ano naman ang posibleng dahilan nito para harangan ako? May nagawa bakong mali sakanya? Sakanila?

"Scared?" Nakangisi sya kaya lalo akong kinabahan, ito yung klase ng ngisi na makakapatay ng tao.

Tumawa naman ang dalawa nyang kasama i didnt bother to look at them,naka focus lang ang attention ko sa lalaking nasa harapan ko.

Pilit kong inaalala ang kanyang mukha at naging atraso ko sakanya pero wala akong maalala miski isa.

Sa tingin ko ay hindi kupa sya na eencounter. Ngayon lang

ATENEAN SERIES 1: ARRANGE MARRIAGE TO A CAMPUS PLAYGIRL (AlyDen)Where stories live. Discover now