CHAPTER 18

1.3K 31 3
                                    

DENNISE MICHELLE LAZARO

Dali dali kong pinasibad ang sasakyan patungong Alvizo Hospital. Nakatanggap kasi ako ng tawag galing kay bea, nasa hospital daw ngayon si Alyssa. Nabugbog daw ito at masama ang lagay!
Kaya pala hindi ako mapakali kanina.

"Dyos ko naman Alyssa! Ano ba kasi pinanggaga gawa mo?!!"
Abot langit ang dasal ko na sana ay ayos na ito. Pero isipin kupa lang ang sinapit nito ay nahahabag ang damdamin ko.

Pati pag hawak sa steering wheel ay nanginginig parin dulot ng kaba.

What if malala talaga ang lagay nya?
What if may nabaling buto sa katawan nya?
What if iwanna nya ako?

Oh damn! Ang daming what if's sa isip ko.  Naiiyak narin ako dahil sa kakaisip sakanya.

"Shit naman dennise! Scratch that negativity thoughts of yours! Ok lang si Alyssa. Ok lang sya.."
Kumbinsi ko sa sarili. Pero hindi rin tumalab, mas lalo pa akong kinabahan dahil sa mga posibleng nangyari sakanya.

Dali dali rin akong umibis sa sasakyan at tinakbo ang entrance ng hospital. Nanginginig ang aking mga kalamnan at ang aking binti, naluluha narin ako.

Ano ba naman kasi ginawa mo Alyssa?

"Nurse, asan yung babaeng dinala dito?
Yung nabugbog?"
Taranta at kabado kong tanong.

Ah maamnasa E.R po."
Magalang nya namang tugon.

Hindi nako nakapag pasalamat dahil tumakbo nalang ako bigla papuntang E.R. Abot langit ang kaba ko. Anlakas narin ng tibok ng puso ko.

Nasa harapan na ako ng pinto pero hindi pa ako pumapasok.

"Dennise naman! Kailangan ka ng asawa mo ngayon!"
Pilit kinukumbjnsi ang sarili, kahit nahihirapan. Unti unti kong binuksan ang pintuan kasabay ng malalim na buntong hininga.

"This is it.."
I silently uttered. At tuluyan na ngang binuksan ito, ngunit ganun na lamang ang pag guho ng mundo ko ng marinig ko ang pinaka ayaw kong marinig na salita sa mga doctor.

"Time of death 11:47 pm.."
Nakatalikod sakin ang doctor habang tinatakpan ng puting tela ang pasyenteng ni revived nila kani kanina lang.

Napapasinghap akong nakatjngin dito habang kupkop ang bibig ko.

I heard it right?!

Parang nanigas pa ako sa kinatatayuan at hindi maka galaw. Malinaw sa pandinig ko ang sinabi ng doctor pero hindi kayang tanggapin ng isip at puso ko.

No Aly is not dead!

Bumuhos na nga ang luhang kanina kupa pinipigilan.
"N-no! NO! NO!"
Paulit ulit kong sabi habang umiilng. I cant believe it!

Wake up baby please! Namalayan kuna lang na nasa harapan na ako ng doctor.

"Miss. Are related to the patient?"

I nod my head. I cant even find my words.

"Sorry but we already tried our best—"
Sinenyasan kuna man syang tumahimik.

"Ok. I'll leave you here ija.."
Umalis na nga ang doctor kasama ang dalawang nurse, pero hindi parin ako gumagalaw.

Until i have this urge to walk towards her. Naglakad ako papalapit sa hospital bed na kung saan may bangkay na natatakpan ng puting tela.
"L-ly.."
Garalgal kong sambit sa pangalan nito.

"L-ly.. wake u-up please. "
Para akong sumabog. Parang agos ng tubig ang mga luha kong hindi na mapigilan.

Hindi kuna ring mapigilang mapahagulhol habang kapit ng kalawang kamay ang bibig ko.

ATENEAN SERIES 1: ARRANGE MARRIAGE TO A CAMPUS PLAYGIRL (AlyDen)Where stories live. Discover now