CHAPTER 22

1.4K 27 1
                                    

ALYSSA VALDEZ

Pagka tapos ng klase ko ngayong hapon ay dumeritso nako sa locker room at nagpalit ng training uniform.

Siguradong magugulat ang mga teammates ko once na makita ulit nila ko sa gym, dati kasi ng wala pa akong asawa ay lagi akong nag papractice pero ng ma arrange marriage ako kay Dennise ay hindi nako nakaka apak sa training ground namin.

Yes. For the past 3 months hindi nako nagagawi sa gym dahil hindi nako nag papractice. And i want them to surprise

Kinuha kuna man ang gym bag ko bago umalis ng locker room, napapatingin pa ang mga ibang studyante sa akin ng Dumaan ako open field. Ang iba ay hindi na nakapagpigil at nag sisitili pa.

Tss. Kung dati nagugustuhan kupa ang mga atensyon na ibinibigay nila sa amin ngayon ay parang nakaka irita na.

Ngayon ko lang narealize na, ang titinis pala ng mga boses nila. Kaya ang sakit sa tenga

May iba naman na lumalapit sakin para makapag selfie, but i politely declined them. Hindi talaga ko mahilig sa selfie, alam nila yan. Pero nag pupumilit parin. Kung kasama sana si Dennise edi mabuti pa baka sakaling mapapayag nila ko.

Nakarating naman ako sa gymnasium kung saan nag te-training ang mga teammates ko. Ngayon ko lang din narealized na sobrang namimiss kuna sila kahit sa isang University kami nag aaral ay hindi parin kami makakapag kita kita. Sa lawak ba naman ng University ay tatamarin ka talagang pumunta sa ibat ibang building dito.

Mabuti nalang at may elevator dito kung hindi hassle na naman pag akyat namin sa ibat ibang building.

Agad naman akong nakita ni Deanna na kasalukuyang nag pa practice sa setting.

"Ateeee LYYYYY!!!!"
Nakakabinging tili nito na kinahinto ng ibang players sa pag papractice. Bahagya ring nanlaki ang mga mata nila ng mapadapo ang tingin nila sa akin.
Parang gusto ko namang mapabusangot dahil nawala yung grand entrance ko.

Nubayan!

Namalayan kuna lang na nakalapit na sa akin si Deanna kaya no choice at yinakap kuna lang ito.

"What are you doing here achi?"
Excited nitong tanong. Napangiwi tuloy ako, parang hindi nako welcome dito ah? Nakanguso kong tanong sa sarili.

"Baaallddoooo!!!"
Napatingin naman ako sa sumigaw, it was Maddie..

Agad rin itong lumapit sa amin kasama ang iba.
"Shit! I miss you."
Tinawanan ko lang si Maddie habang yinakap ko naman si Ponggay na naka nguso ngayon.

"Namiss ko din kayo.."
Hinalikan kuna man sila isa isa sa pisngi.

Parang maraming taon ang lumipas dahil sa pagkamiss namin sa isat isa.

"Oh? Bat naka simangot ka ponggs?"
Baling kuna man kay Ponggay ng makitang nakanguso ito.

"Bat ngayon ka lang Ate Ly? Iisipin na sana naming mag qui-quit kana sa Volleyball.."
Nakanguso parin nitong turan. Ginulo kuna lang ang buhok nito.

"Sorry guys.. Busy lang talaga ko sa pag aaral and i couldn't find a time to be here para masamahan kayo sa pag practice.."
Sincere kong pag hingi ng tawad, nakakaintindi rin naman silang tumango.

Acceptable naman yung reason ko dahil sobrang busy din talaga ko sa pag aaral lalo na't graduating student ako ngayon.

"It's ok Capt. Atleast naligaw ka ngayon dito.."
Natawa naman ako sa sinabi ni Jules.

Oo nga naman, buti at nagawi pako dito.

Kung hindi lang talaga sa Stenfield nayan.

"Oo nga pala i heard na hospital ka, are you ok now Alyssa?"
Our half Canadian Kat Tolentino. Iba talaga to mag english, may accent e.

ATENEAN SERIES 1: ARRANGE MARRIAGE TO A CAMPUS PLAYGIRL (AlyDen)Where stories live. Discover now