“Yeah, you're welcome.” Pinatay ko na ang linya. Pinadala ko na agad yung mga pictures.

Inaayos ko na ang mga gamit ko nang biglang may notification na galing sa gmail ko.

From : Selene0069

Good evening again, Ms. Rian. The owner of the resort wants you to attend the opening party. Hope you can accept our invitation.

Invited ako? Paano si Spiro? Ayoko namang isama si Spiro dahil sure ako na may inuman do'n dahil magarbong resort. Iwan ko kaya muna kay Diego si Spiro? Saglit lang naman ako ro'n, magpapakilala lang ako sa owner.

To : Selene0069

Sure. Thanks for the invitation. I'll be there.

KINABUKASAN, pinilit kong magising nang maaga kahit anong oras na ako natulog. Ngayon kasi ang first day ni Spiro sa school kaya kailangan maihanda ko lahat.

From taking bath, dressing up, eating, bag, and everything. Pre-school pa lang siya.

“Mommy? Are you going with me?” Napangiti ako sa tanong niya. Ayaw niyang humihiwalay sakin kaya siguro iiyak siya mamaya katulad ng ibang bata.

“Of course, baby. Mommy will never leave you.” Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pag-inom niya ng gatas.

“How about Tito?” He's asking about Diego. Inayos ko ang buhok niya.

“Susunduin tayo ni Tito Diego mo mamaya sa school. Mamamasyal daw tayo, are you excited?” Tanong ko. Ngumiti naman siya kaya nakita ko ang maliliit niyang ngipin.

“Yes!” I kissed his forehead bago umalis muna sa kusina.

Sa totoo lang natatakot ako na baka dumating ang araw na magtanong na siya about kay Dereck. Hindi ko pa alam ang isasagot ko do'n kaya umaasa ako na habang maaga ay sana mas mapalapit pa siya kay Diego para ito na ang kilalanin niyang ama.

Maya maya ay tumawag sakin ang bibilihan ko ng kotse. Medyo nabigatan ako sa presyo pero nakakuha naman ako ng discount at ipon ko din yon sa loob ng limang taon.

Sabi ay dadalhin na daw ang kotse ko mamaya. Isang linggo matapos kong mabili 'yon.

“Mommy! I'm done!” Kinuha ko na ang bag ko at bag ni Spiro.

“Let's go?” Mukhang excited siya. Sana ganyan din ako noon. Ayoko kasi sa school maliban na lang noong high school.

Sinuot ko sakanya ang bag niya at lumabas ng bahay para makapag hanap ng taxi. Katulad ng sabi ko, gusto ko komportable siya kaya kung kaya ko naman ibigay ay ibibigay ko sakanya.

From : Diego

Good morning, babe. How was your sleep? On the way to school, right? Are in the taxi now? You want me to pick you up? I still have 10 minutes.

Napangiti ako. Hindi pa din siya nagbabago. Ganitong ganito pa din siya katulad noon.

To : Diego

Good morning. My sleep? Hindi ko alam, tulog nga ako, diba? Just kidding, babe. We're on the way to school and yup, nasa taxi na kami. No need to worry.

Nagreply siya agad.

From : Diego

Silly. You're staying with Spiro, right? After ng meeting ko pupunta ako sa school niya to show moral support? Tell Spiro goodluck.

“Baby, pinapasabi ng Tito Diego mo na goodluck.” Agad niyang ngumiti at nag okay sign.

To : Diego

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon