PROLOGUE

4.7K 123 20
                                    


March 11, 2020

Wednesday.


Ano ba'ng mayroon sa ngiti mo?

(Girl, I'm dyin')


'Di ka na maalis sa isipan ko
(Impossible)


I feel so alone but I can't just keep on singing this song


I gotta get your love, 


Yeah, baby girl, I'm coming now
(Sure, you're mine)


I am listening to SB19's new song 'Alab'. Actually parang pa-tatlong ulit ko na 'to. I just love their new song. Hindi ako magsasawang paulit-ulitin ang mga kanta nila.


I have my earphone in my right ear. Hindi pwedeng sa dalawang tainga dahil nasa tabi ako ng kalsada ngayon, kakababa ko lang ng bus galing sa lugar namin. Papunta ako ngayon sa bahay ng tita ko, na kapatid ni Mama. Doon muna ako mag-i stay kasi malapit lang doon 'yong paggaganapan ng mini-concert ng SB19! I'm soooooo excited!


Buti nalang talaga pinayagan ako ni Mama kahit may kumakalat na virus ngayon. Ang totoo niyan ay nahirapan pa nga akong makasakay dahil nga bihira na lang ang bumabiyaheng bus. Pero nakipagsiksikan pa din ako dahil gusto ko talagang makapunta sa concert ng SB19, nag-ipon talaga ako para lang doon.


Sobrang pinaghandaan ko talaga 'to kasi iyon ang unang beses na mapapanood at makikita ko ang SB19. Bumili ako ng lightstick, may tarpaulins pa! Never ko naman kasi naranasan na pumunta sa concerts nila dahil wala naman akong pera at imposibleng bigyan ako ni Mama.


Nakita kong naka-red na 'yong ilaw ng traffic light at naka-green na 'yong tao kaya naglakad na ako. Sa kabilang part kasi ang bahay ng tita ko.


Habang tumatawid ay kakaiba ang naging pakiramdam ko. Parang bigla ring sumakit ang ulo ko. Ang weird lang. Tapos parang de ja vu? E, ngayon lang naman ako nakapunta sa lugar na 'to kaya ang weird lalo.


Pagkatawid ko ay lumakad pa ako ng kaunti para makarating sa bahay ng tita ko. Sinusunod ko lang ang note na hawak ko, nakasulat dito ang location ng bahay ni Tita.


Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Tita Aicel.  Sinagot ko kaagad ang tawag. Dapat tatawag na ako sa kaniya kasi hindi ko alam kung nasa tapat na ba ako ng bahay niya o baka sa kabilang kanto pa ang kanila.

Living With SB19Where stories live. Discover now