Melody Twenty-Two

Începe de la început
                                    

Tama nga siguro si Analie.

I... should really get some sleep.

Everything went back to normal. Ganun pa rin ang routine. Ihahatid kami ni Mr. Torres, papasok sa klase, practice ng vocal time namin, minsan mauuna akong uuwi kay Analie lalong-lalo na kapag sobrang busy niya. Everything's the usual.

Well... maybe, except Serene. Ever since nakabalik kami, hindi na niya ako masyadong ginugulo. I mean, she's still mean. She would glare at me, even sometimes giving me a middle finger, pero hindi na 'yung lagi niyang ginagawa. 'Yung pinagsasalitaan niya ako ng mga masasakit na salita.Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nangyari nung nasa camp kami o may iba pang dahilan.

But I guess it's better that way. Baka napagod na rin siguro siya. Sana nga lang ay titigil na talaga siya.

"Hey, Analie," Kiara called without lifting her gaze on the book she's reading. "Sebastian's birthday is coming, right?"

Nandito kami ngayon sa office ni Analie, hinihintay siya. May tatapusin daw pa raw kasi siya tapos nag-aya naman 'tong si Kiara ng McDo kaya sila nandito.

"Yeah. But I don't know if he wanted a birthday party," sagot naman ni Analie.

"Mahilig sa birthday party ang mga bata." Nakasalampak sa lamesa si Lisa habang nakatingin sa amin. "Kailangan bongga."

Kumurap ako at tumingin kay Analie na may sinusulat.

"Kailan birthday ni Sebastian?"

"Ngayong sabado," sagot naman niya.

Tumango ako. Hindi ko alam na birthday niya na pala ngayong Sabado. Apat na araw na lang. Should I give him a gift? Pero 'di ko naman alam kung anong gusto ni Sebastian o baka pag meron nga akong ibibigay, baka 'di niya magustuhan.

And I doubt he has something he wants when I think he already has a lot of things.Or maybe I could give him something I made?

"If you're thinking about gifts... tatanggapin niya kahit ano, Quinn." Analie laughed and looked at me. "Sebastian doesn't really care about what it is. He cares more about who gave it."

Napangiti ako sa sinabi niya. Being with him for almost two months, hindi siya 'yung batang napaka-spoiled. I always hear him saying thank you. To foods or even the smallest things, you do for him.

"But... you know, baka may gusto siya?" tanong ko.

"Mahilig siya sa figurines. 'Yung malaki ang ulo, tas maliit ang katawan— 'di ko alam anong pangalan nun pero makikita mo lang ata 'yan sa mall," sagot niya. Napa-'oh' naman ako. "Wag kang mag-alala, pupunta naman tayo sa mall ngayong Friday, pagkatapos ng klase natin. May inutos kasi si mama."

Mabilis akong tumango sa kanya.

"Nga pala, malapit na rin Foundation Day na'tin," sabi ni Kiara.

Nabaling ang tingin ko kay Kiara at hindi napigilan ang mapaisip. Hindi dahil hindi ito pamilyar sa akin kundi iniisip ko pa nga lang na magf-foundation ang eskwelahang 'to, nawiwindang na ako. Sa laki ba naman ng eskwelahan na 'to.

"Magiging busy na kami niyan. Sasakit na naman ulo ko neto." Hinawakan pa ni Analie ang ulo niya.

"Sino kaya ang iimbitahin nila na banda ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lisa. Banda? May tutugtog na banda dito?!

"May banda?!"

Tumango naman si Lisa at nilabas ang cellphone niya. Maya-maya ay may ipinakita siya sa akin.

"Oh, eto. Silent Sanctuary, This Band, Up Dharma Down, Eraserheads atsaka last year—teka lang." Sumenyas siya sa akin pagkatapos ay ipinakita ulit ang cellphone. "Ben&Ben at December Avenue."

Saddest Melody (Arts Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum