Melody Forty-One

103 13 2
                                    

Now Playing:
Start by Gaho, Chris Lyon

Before 12, napagpasyahan na naming itigil ang movie marathon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Before 12, napagpasyahan na naming itigil ang movie marathon. Natutulog na kasi si Seb maging si Tito at Tita kaya pinatay na namin para 'di silang magising. Ayaw din namin makaistorbo ng mga katabing kwarto at kami din naman ay inaantok na kaso gusto lang talaga naming tapusin ang huling palabas bago matulog.

Si Kiara at Nicole na ang nagligpit ng projector habang ibinalik naman ni Alexis at Yael ang sofa nang hindi gumagawa ng ingay. Pagkatapos ay inilipat nila ang lamesa at isinalampak sa left side malapit sa pinto, nung inuupuan namin ni Yael kanina. Buti na lang at hindi ito lumagpas kaya nabubuksan pa rin ang pintuan.

Dito kasi sila matutulog at mas malaki ang space sa bandang 'to kesa dun. Naghanda na si Analie ng kumot at nagpadala ng higaan si Lisa sa driver niya na kasya silang apat. Hindi ito gaanong malaki o makapal. Sakto lang. Si Alexis at Yael naman ay humingi ng extra mattress sa hospital. Mas hassle raw kapag silang lahat hihingi e maliliit lang naman yung mattress ng hospital.

The big matress was placed at the edge of Seb's bed. Dun sila Analie, Kiara, Lisa at Nicole na kasalukuyang nakahiga na. Katabi nila ay si Alexis na kanina pa knock out. Pagod ata. Pinagkatuwaan pa ito ni Lisa at humagikhik na pinitik ang noo. Revenge daw. Gago talaga.

Ako ang mago-occupy sa sofa. Sabi ko sa kanila na kasya dalawa pero hindi raw pwede dahil baka matamaan ang paa ko. Hindi na lang din ako umangal.

"Good night," rinig kong bulong ni Nicole at nasundan ito ng iba.

"Good night," I said, then yawned afterward.

"Good night," Yael answered while he was lying down on his bed. Nakapuwesto ang higaan niya sa tabi ng sofa, just below me. Kung tatagilid ako at uusog ng konti, makikita at mahahawakan ko na siya.

Nakatingin lang ako sa kisame nang ilang minuto. May nakabukas na mga ilaw sa magkabilang gilid ng dingding pero naka-dim ito kaya konti lang ang ilaw na umaabot sa mga natutulog sa sahig. Nang tingnan ko sila Analie ay tulog na ito. Bahagya akong natawa nang makitang magkayakap pa si Nicole at Lisa.

Hindi tulad kanina na puno ng tawa ang kwarto na 'to, ngayon ay sobrang tahimik na. It was hard for me to sleep, but not because my head was in chaos, but because the scene earlier kept playing inside my head.

Pumikit na lamang ako, hinihintay na makaramdam ng antok at pagod. I let out a sigh as I slowly make myself comfortable.

"You're not sleepy yet?"

Yael's voice startled me. Naimulat ko kaagad ang aking mga mata. Tumagilid ako at umusog ng konti sa dulo para masilayan ang mukha niya at makasiguradong hindi siya tulog at siya nga 'yung nagsalita kanina lang. The lights were dimmed, so I can only see the side of his face.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang gising naman ito. Bigla-bigla na lang kasing nagsasalita e ang dilim. 'Di pa pala tulog ang isang 'to.

"Medyo. Ikaw? Inaantok na?"

Saddest Melody (Arts Series #1)Where stories live. Discover now