Melody Twenty-Three

119 18 12
                                    

Now Playing:
Stand by You by Marlisa Punzalan

I was running in the hallway, trying not to bump into anyone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I was running in the hallway, trying not to bump into anyone. Late na late na ako sa meeting at kanina pa ako tinatawagan ni Analie, hinahanap ako.

Hindi ko na ata mabilang kung ilang mura na ang nasabi ko habang mas binilisan pa ang pagtakbo papuntang Major Lounge. Sana naman wala pa ang mga coaches. Iniisip ko pa nga lang sila na nakatayo at isa-isang binabasa ang attendance, gusto ko nang hindi tumuloy. Kaso kailangan daw nandun kami.

So much for being late, Quinn.

Hinihingal na tumigil ako sa gilid ng pintuan pagkadating ko sa Major Lounge. I peeked inside and saw the coaches. Natampal ko na lang ang sariling noo ko at tumago ulit.

Si Coach na ang susunod na tatawag ng attendance namin. If I could just... crawl my way to the group, then I'd be safe. May minus daw ngayon kapag absent or late. Patay ako neto.

Huminga muna ako ng malalim at yumuko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob habang pigil hiningang gumagapang. I look like shit, I know. Good thing, no one really cared about me crawling even when they saw me.

As if they didn't try this before.

Isa pa, nakatayo rin naman ang iba kaya malaking tulong na rin sa akin 'yon para 'di ako makita ng mga coach.

"Kiara Roa?"

"Present."

"Analie Torres?"

"Here, Coach!"

"Quinn—"

Sa isang iglap, saktong pagtawag nung pangalan ko'y nakarating na ako sa grupo namin. Tumayo kaagad ako habang hawak ang aking bag na sinusubukan kong itago.

"Present!" I flashed a smile. Coach stared at me and shook her head, then called the next student.

Nakahinga ako ng maluwag. Muntik na 'yon. Buti na lang nakaabot pa.

Nang masigurado kong okay na, I hurriedly put my bag at the corner where all bags are placed before slowly walking my way to Nicole standing beside the couch.

"Hey. Sorry late. Pinass ko pa project ko sa BasCal," bulong ko kay Nicole.

"'Wag kang mag-alala, ako rin. Late. Kaya nga naunahan ako sa couch. Sayang!" bulong niya rin pabalik.

I laughed and peeked at the people sitting on the couch. Tanging ang tatlo lang ang swerteng nakaupo sa couch kasama ang iba pang naswertehan din. Well, what can I say? Sadyang 'di sila nala-late.

Nang matawag na ang lahat, nagsimula na ang meeting. The first few announcements were just little reminders na lagi nilang pinapaalala namin.

"So you all know, CDays—our foundation day is near. Only two weeks from now," Sir Leo said. "Isang linggo ang ating foundation day. A lot of activities, programs, and whatsoever are gonna happen in that week, including our fundraising project which is the 'Arts Ark: Project for a Cause.'"

Saddest Melody (Arts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon