Melody Five

217 29 8
                                    

Now Playing:
Hold You 'Till We're Old by Jamie Miller

Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa gilid ko at agad lumingon para tingnan kung sino ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa gilid ko at agad lumingon para tingnan kung sino ito. I frowned when I saw a familiar face grinning at me, showing his teeth, white as a pearl. A natural flow slick back hair brushed back to the side, and a shiny earring pierced on his right ear. Tan skin tone, and I could even see tan lines on both of his arms. Sports nga naman.

Buti hindi pa 'to nakikita ni Analie. Sabihin ko kaya sa kanya at ng matahak ang tenga ng lalaking 'to?

Tinasaan ko lang siya ng kilay at ibinalik muli ang tingin sa stage. Mr. Ampolo just finished his announcement and is now giving the microphone to Analie. Analie greeted all of us before she started. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang lahat ng mg estudyante pagkatapos ay balik kay Analie.

Buti pa siya eh hindi man lang nanginginig.

"Sabi ko... janitor for a day, not bad." sabi ulit ng katabi ko.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

"Ito naman. Hindi man lang marunong magreply!" reklamo niya na may halong pabiro ang tono sabay kamot sa ulo niya.

Tiningnan ko ang nasa kabilang gilid niya at nagbaba sakaling hindi ako ang kausap niya, but he blocked my view. He's still showing me his grin, and I swear, I'll pull his teeth out and sell them. Ito lang ata ang maputi sa katawan niya.

"Ako ba ang kinakausap mo?" tanong ko sabay turo sa aking sarili. Tumango siya ng mabilis at pagkatapos ay napahawak sa ulo sabay tawa ng mahina.

"Oyp, lumindol ulo ko."

Napatitig lang ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. Tama nga ako. Baliw nga. Tigilan na sana ako ng lalaking 'to. Ayokong mahawa. He offered his hand pero hindi ko ito pinansin at ibinalik ang tingin sa stage. May kung anong ipinakita si Analie na papel kaso wala akong maintindihan dahil panay istorbo ng katabi ko.

"Hi, I'm Alexis." pakilala niya habang nanatili pa rin ang kamay niya sa ere. "I won't put them down unless you accept them," dagdag niya pa.

Lumiit ang mga mata ko na binalingan siya. May gana pa talaga siyang mangblackmail sa akin. Sad to say, walang akong pakialam kahit na putulin pa niya ang kamay niya. Nagkibit balikat ako at inalis ang tingin sa kanya. Narinig kong napatawa siya sa ginawa ko habang hindi pa rin binababa ang kamay niya. Magdusa siya.

"Hindi ka talaga maawa sa akin?"

Hindi ako umimik. Bwiset, mas lalong wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Analie nang dahil sa lalaking 'to. Ano bang pumasok sa utak neto at ako pa ang pinagtripan.

"Sige, hindi ko rin ibababa." pagpaparinig niya sa akin.

Bagot kong tiningnan ang relo ko bago ibinalik ang tingin sa stage. Nang sumulyap ako sa kanya, napakunot ang noo ko nang makita hindi nga talaga niya binaba ang kamay niya. Lakas ng trip ng lalaki 'to.

Saddest Melody (Arts Series #1)Where stories live. Discover now