CHAPTER 4: IF

12 0 0
                                    

"Uy tara na ang tagal niyo." reklamo ko sa kanila. Magsisix thirty na kasi at malelate na kami. Hanggang ngayon nagmemedyas pa si ate—ang bagal bagal kumilos.

"Hoy anong oras na ang tagal niyo." si mama na kabababa lang galing taas.

"Tara na tara na." pagmamadali ni ate. Lumabas na kami ng bahay at nagmamadaling lumakad papuntang kanto para mag-abang ng tricycle.

Ng makarating na kami ay ang bilis ng paglalakad kong papuntang room dahil baka nagtuturo na si Sir, six forty five na kasi. Umaakyat na ko sa third floor at kumanan sa corridor at nakita kong may mga kaklaseng pa 'kong nakatambay sa labas, aba hindi pa pala ako late—kala ko naman. Nagmamadali pa naman ako.

"Soleeeeeennnn." pagtawag sa'kin ng kaibigan kong si Lyka habang paparating na 'ko.

Ng makalapit ako ay agad niya 'kong niyakap ng mahigpit. "Hhhmmmm di ako makahinga."

"May assignment ka?" tanong niya pagkatanggal ng yakap sa akin.

"Wala pa. Dito ko pa nga lang gagawin eh." sabi ko habang papasok ng pinto.

"Tara gawa na tayo—mangopya na lang tayo sa iba."

"Guys sinong may assignment?" anunsyo niya. "Pakopya kami."

🌠🌠🌠

"Ang sarap talaga ng sisig nila." halos himatayin niyang puri na ngumunguya ng pagkain. Nasa canteen kami ngayon dahil break time na. Nakapagpasa na rin kami ng assignment—sa wakas. Salamat sa pagpapakopya, hehe.

"Masarap nga talaga." ganti ko.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang magpawis, sobrang init kasi sa canteen lalo na't ang dami pang tao at may pagkakataon pang siksikan. Ewan ko ba sa school na 'to, pagmamay-ari ng gobyerno pero mukhang napabayaan. Kahit public 'to kailangan imaintain pa rin nila dahil hindi porket hindi ito private, at wala kaming binabayaran hindi ibig sabihin mawawalan na ng kaayusan ang paaralan na ito.

Nakakainis lang na ipinapangalan nila ang mga pangalan sa building eh hindi naman nila pera iyon. Galing iyon sa mga mamamayang nagbabayad ng kanilang tax. Tapos magpapagawa sila ng bagong building pero wala pang dalawang taon ay may sira na, palibhasa kasi kinukurakot lang. Ipapakita sa tarpaulin kung magkano ang nagastos sa pagpapagawa ng isang gusali, samantalang 'yung kalahati naman doon ay ninanakaw lang ng tao at politiko. Para-paraan.. mga kurakot talaga… naku naku… kapag ako talaga naging presidente lahat ng mga kurakot ipapapatay ko. Kung si president Duterte nga ay ipinapapatay ang mga adik ako, naman sa mga kurakot na walang alam gawin kundi nakawain ang pera ng mga mamamayan.

Hay naku. Kung may kapangyarihan lang ako, sa malamang naibunyag ko na ang mga kaplastikan at karumihan ng mga politikong impokrito na todong sinusuportahan at sinusubaybayan ng mga ibang bobong pilipino.

Buti pa ang pangulong Duterte walang halong kaplastikan, pati na rin pala si Mayor Isko. Ang ipinagtataka ko. Bakit ang daming nagagalit at naninira sa pangulo? Eh samantalang ang dami dami na niyang nagawang mabuti? Palibhasa kasi ang nakikita lang nila sa kaniya ay ang mga pagmumura nito. Anong gusto nila? Magpakaplastik si pangulo? Nagagalit sila dahil bastos ito kung magsalita, eh anong gusto niyong itawag sa mga hayop na manloloko na mga politiko at mga drug lord? Diba kamura mura naman talaga?

Ang tatanga nga ng ibang mga pilipino, palibhasa kasi binabayaran para siraan ang pangulong Duterte. Kinaiinisan niyo porket ibinubunyag ang mga kalokohang pinagkakagawa ng mga ilang politikong walang alam gawin kundi mangako pero puro salita. Buti nga magpasalamat pa sila, dahil tapat maglingkod ang ating presidente sa bansa. Hindi ko inaasahang magkakaroon pa pala tayo ng mga gantong klaseng presidente, akala ko kasi puro pangungurakot at pangako lang.

UNSTOPPABLEWhere stories live. Discover now