PROLOGUE

39 6 0
                                    

"OH MY GOSH!! IS THIS REAL??!" hindi ko makapaniwalang tanong sa sarili ko habang kinakapa ang mukha sa harap ng salamin. "BAKA NA NANAGINIP LANG AKO? HELL NO, AYOKO PANG MAGISING!"

"Shocks is this for real?" mahinang tugon ko habang patuloy parin sa ginagawa. "Totoo na ba 'to?"

Tumayo ako ng tuwid at tumalikod sa salamin. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpikit ng mga mata. "Ok"

Napagdesisyunan kong subukan kung totoo ba ang kapangyarihan ko. Kaya naisipan kong pumunta sa kwarto ni Kuya.

Bakit nga ba kay Kuya? Aah, malakas kasi talaga kutob ko na may tinatago siyang sikreto.

Hmmmm. Ano kayang makikita ko dito? Sinubukan kong daplisan ang mga drawer niya at baka aksidenteng may makitang kakaibang bagay dito.

Nilagpasan ko na muna ang mga drawer dahil medyo mahirap maghanap kaya dumiretso muna ako sa closet niya.

"Oo papunta nako may kukunin lang ako sa kwarto ko." lagot! Si kuya!

Papunta na siya dito! Nagmamadali akong nagtago sa closet niya at—wait teka lang…… Wait lang.

Bakit nga ba ako matataranta e kung hindi naman niya ko kayang makita lalo na't invisible ako ngayon. Mukhang kailangan ko pa talaga mag-adjust dito sa kapangyarihan ko a. At baka ito pa ang maging dahilan ng ikapapahamak ko sa sobrang kagaslawan ko na malaman nilang may super powers ako.

I have to be careful...

Nakapasok na siya at agad na may hinanap sa drawer niya samantalang ako ay nakatayo lang dito sa gilid ng closet.

Matingnan ko nga kung nag-iimagine lang ba ako or totoo na talaga 'to.

Iniangat ko ang hintuturo ko at sinubukang pagalawin ang isa sa mga gamit niya. And it worked! Oh my gosh—totoo nga! Hindi na'ko nagaksaya pa ng oras at patuloy na pinagalaw ang gamit.

Habang abala sa paghahanap si Kuya sa drawer ay itinalsik ko sa kaniya ang vase na pinalutang ko. At halos himatayin na talaga ko ng tumama iyon sa batok niya. HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Grabe nakakatawa reaksyon niya—ang panget niya. HAHAHAHAHAHAHAHA! Gulat na gulat na napatingin pa sa likuran niya.

"HOY Sino 'yon?!" taranta niyang tanong habang nagmamasid parin sa likuran niya.

Tumakbo siya palabas, "May nangtitrip sa'kin!" sigaw niya.

HAHAHAHAHAHAHA!!!

UNSTOPPABLEWhere stories live. Discover now