CHAPTER 3: HINT

19 3 0
                                    

"An enemy has been slain!" tunog mula sa laro ng kapatid ko. Nasa sala kami ngayon na may kaniya kaniyang libangan.

"Magligpit nga muna kayo. Mamaya na 'yan." si mama na nagwawalis.

"Hihihihihihihihihihi."

Kanina pa 'kong tuwang-tuwa sa kakapanood ng youtube dito. Ang saya panoorin ng ibang vlogs samantalang hindi ko naman mapigilang mainis at mambash sa mga vlogger na basura ang content. Tamang dislike lang ako sa mga katangahang prank na pinagkakagawa nila. Mangpaprank sila pero halata namang scripted lang. O di kaya umaarte ka pa na parang walang alam eh alam mo namang prankster kasama mo. Ang tanga tanga mo na lang kapag hindi mo nalaman na pinagtitripan ka pala. Palibhasa kasi alam mong may kamera kaya tamang painosente ka na lang.

"Sinabi ng mamaya na kayong magcellphone-maglinis na muna kayo." pagkatapos kaming suwayin ni mama ay agad ko ng binitawan ang cellphone samantalang patuloy lamang si bunso sa paglalaro.

"Sinabing ng maglinis muna eh, bitawan mo 'yan, babasagin ko 'yan eh."

"Oo wait lang patapos na."

"Patapos patapos! KANINA KA PA SABI NG SABI NG PATAPOS! GAANO BA KAHABA 'YANG PATAPOS NA 'YAN?!"

"Patapos na nga 'to promise. Mananalo na kami oh." ganti niya habang mabilis na nagpipipintod sa cellphone.

Nakita kong suminghal si mama na siningkitan pa ng mata si June. "Wag kang kakain mamaya ha."

"Oo na tapos na." tatayo din pala siya, padabog niyang binitawan 'yung cellphone saka nagkunot ng noo.

"Kanina ka pa diyan." inis na sambit ni mama habang abala sa patuloy pa rin sa pag-aayos. "Tatlong oras ka na diyan hindi ka pa natatapos hanggang ngayon, kung hindi pa kita sasawayin. Samantalang kapag pinagrereview ang bilis bilis. Wala pang 30 minutes pagod na agad. Pero kapag nag eem el, wantusawa."

"Hala maglilinis na nga eh." pagnguso niya.

"Aba't sumasagot sagot ka pa diyan eh."

"Tupiin ko na lahat ng mga damit ah." sabi ko kay mama kahit pinapagalitan niya si June, siyempre style nating mga anak para hindi madamay. Tamang tanggal na lang ako ng mga damit sa pagkakahanger.

"Hindi naman ako sumasagot ha. Ito na nga oh naglilinis na oh." inis niyang sambit habang napipilitang ibalik 'yung mga gamit sa tamang lagayan.

"Isa pang sagot sige hahambalusin na kita."

"Hala."

"Wag ka na ngang sumagot. Tingnan mo kapag nasampal ka talaga diyan-bahala ka." suway ko sa kaniya. Dahil baka magulat na lang talaga siya na may sasampal sa kaniya.

Tumigil na si mama dahil hindi na siya sumagot. Maya't maya pa dumating si kuya na ikinabunganga uli ni mama.

"ITO NAMAN LAGING HAPON NA UMUWI! WALA NG KATAPUSANG PRAKTIS!"

"Ma hindi kami nagpraktis. Gumawa kami ng research-mahirap kasi 'yon kaya matagal talagang gawin. Tanong mo pa sa kaklase ko kung ayaw mong maniwala."

"Lagi na lang." pagtaray ni mama. "Ikaw Solen," hala nadamay pa ko. "Magbasa ka mamaya ah. Nasabi sa'kin ng kaklase mo na nazero ka sa recitation niyo. Akala ko ba nagrereview ka? Bakit zero?"

"Mahirap kasi 'yun.." pag-ungot ko habang abala sa pagtutupi. "Atsaka nagrereview naman talaga ako eh, sadyang hindi ko lang mamemorize 'yung binabasa ko."

"KAPAG TUNGKOL SA PAG-AARAL HIRAP NA HIRAP MAGMEMORIZE, PERO KAPAG MGA WALANG KWENTANG KANTA-AYAN.... SOBRANG BILIS. KABISADONG KABISADO NA AGAD."

"Kanta kasi 'yon. Siyempre mas madali 'yun kasi paulit-ulit tumatakbo sa isip ko kaya madaling mamemorize."

UNSTOPPABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon