"Ibig sabihin magkikita tayo sa binyag ng baby mo?" Ngumiwi ako.

"Kailangan ba kasali ka kapag bibinyagan ang baby ko?"

"Ewan pero syempre oo." Ngumiwi ulit ako.

"Pag-iisipan ko." Natahimik na naman kami. Akala ko walang magsasalita samin pero nagsalita siya.

"Magsabi ka lang kung anong kailangan mo, hmm? Call me. Hindi ako magbabago ng number." Tumango ako. "Take care." Pigil ko ang luha ko nang yumakap siya sakin.

Pumasok na siya sa loob. Kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na kahon na may lamang singsing. Ang ganda talaga nito. Plain lang siya pero nakaukit ang salitang 'Our Memories'

"What are you doing here?" Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Dereck. Ngumiti ako sakanya.

"Nagpapahangin lang."

"Umuwi na sila mom and dad, ayaw nilang magpaalam sayo, especially mom. Baka daw umiyak lang siya." Tipid akong ngumiti at umiwas ng tingin.

Inabot ko ang kamay niya at sinuot ang singsing na regalo ko. Kasyang kasya sakanya. Nag-mukhang wedding ring.

"Brie..."

"Pasensya ka na kung ito lang ang regalo ko." Tumawa ako kahit walang nakakatawa.

"Our memories..." Basa niya sa singsing.

"'Yan ang pina-ukit ko para sa tuwing titignan mo 'yan ay maaalala mo ang memories natin." Nanlabo ang paningin ko nang tingalain ko siya. "Tatanggalin mo lang 'to sa oras na ikakasal at magmamahal ka na." Tumulo ang mga luha ko. He lift up his hand to caress my face.

"Please, Brie..." Umiling ako.

"Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko pero alam mo naman siguro na mahal kita, hindi ba? 'Yon na lang ang tandaan mo." Tumingkayad ako para maabot ang labi niya.

Nanatili siyang nakatingin sakin. Ngumiti lang ako sakanya kahit walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Napa tiim ang bagang niya at pumasok sa loob ng bahay.

Napahawak ako sa puso ko dahil parang galit siya sakin. Kumalma ako at pumasok na din sa loob. Malungkot ang tingin sakin nila Manang Cindy.

Umakyat ako para makapag bihis na. Apat oras na lang ay aalis na ang eroplano ko. Mabuti at malapit lang ang airport.

Nang makapag bihis ako ay hinila ko ang maleta ko pababa. Malaki ito kaya nagkasya ang mga gamit ko pero tingin ko ay may natira pa doon.

Sa huling pagkakataon ay niyakap ko sila Manang Cindy, si Jackson at pati na din si Loraine.

Lumipat ang tingin ko kay Dereck na nakaupo sa sofa at umiinom.

Nagsi-alisan silang lahat at kaming dalawa lang ni Dereck ang natira. Inayos ko ang jacket na suot. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya. Mukhang masama nga ang loob niya.

DERECK

"So, you're leaving." I said without looking at her.

Fuck. Hindi pa ba ako sapat? Bakit kailangan niya pang umalis? Hindi niya ba iniisip ang anak namin? Na lalaking walang ama?

"Oo..." My jaw tightened. I slowly nodded.

"Okay, ingat." Oo, masama ang loob ko.

"Ikaw rin." Nabasag ang tinig niya kaya hindi ko napigilang tumingin sakanya. She's touching her tummy.

"Yeah, thanks." She licked her lips and nodded. Nag-umpisa siyang hilahin ang maleta niya.

"H-huwag mong papabayaan ang sarili mo." She said while looking directly into my eyes. I saw her aurora green eyes.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now