Chapter 33

6.6K 181 36
                                    


"Bakit hindi mo agad sinabi sa 'min ha?"

Kinurot ako ni nanay sa tagiliran nang malampasan nya 'kong nagtitimpla ng kape. Umungos lang ako at 'di na nagsalita pa. Malinis na 'ko at bihis, pati si boss. Hindi ko alam kung saan sya dinala ni tatay, basta kanina pagkabihis nya ay lumabas sila agad. Tumanggi muna akong makaharap sya. Inaamin kong natamimi ako sa sinabi nya kanina na inatanan ko raw sya. Pero sariwa pa sa akin lahat ng nangyari at gusto ko rin munang magpakipot.

"Sagutin mo nga ako." Ani nanay at hinarap ako sa pagkakataong 'to.

"E ano bang ibig mong sabihin, nay?"

"Wag kang magmaang-maangan, Mariella! Nalaman namin mula sa kaniya ang mga bagay na hindi mo naikwento! At base sa inakto nyo kanina, para kayong nag-LQ na mag-syota!"

Mukhang mahaba-haba na nga ang naging pagu-usap nila kanina. Sabi ni nanay, ilang oras na raw si boss dito at mag-isa syang dumating.

Nilapit ni nanay ang mukha nya sa 'kin kaya napakurap-kurap ako sa pagtataka.. "Aminim mo, mag-syota ba talaga kayo?"

"Ha? Hala hindi gano'n! Ganito kasi yan, walang—

"Naku, nay! Naniniwala na talaga akong hindi nagsisinungaling ang lasing. Sinabi sa 'kin ni ate kanina ang lahat! Pati yung kiss daw nilang dalawang beses lang, kaya bitin!"

Inambahan ko ng palo si Karen gamit ang walis tambo na hindi ko alam kung saan ko nahugot. Natahimik naman sya agad.. jusmeyo marimar, hindi ako makapaniwalang sinabi ko talaga iyon!

"Pero alam mo, ate? Ang hirap pa rin paniwalaan ng lahat kasi sa fb ko lang sya napapanood dati, at minsan lang kasi madalas naka-free mode ako."

Sumandal si Karen sa lababo at pinanuod akong nagpipiga ng luya..

"Pag pumapasok sa isip ko ang ideya na si Mr. Alexander Aleksev ay nasa bahay natin para makita at makausap ka which is fishnet! Parang 'di ko kayang tanggapin.." may pahawak-hawak sa dibdib pa syang alam.

"Oy, itikom na lahat ng bibig. Ihatid mo na yang kape do'n sa labas Marimar."

Tumango ako at sinunod si nanay dahil tapos na din naman ang kape, at para na rin makaiwas ako kay Karen dahil alam kong marami pa 'yong sasabihin at itatanong.

Sabi ni nanay nasa likod bahay sila kaya do'n ako nagtungo. Hinanda ko ang sarili at huminga ako ng malalim bago ko tinulak ang pinto pabukas tungo sa likod bahay.

Ano kaya ang magandang ekspresyon pag kaharap ko na si boss? E pag inabot ko na itong kape? Yung malamig o magpapa-kyot? Depende na siguro sa sitwasyon.

"Marimar! Yung kape!"

"O-opo tay!"

Nagmadali ako sa pagbaba. Mukhang nagkasundo na sila boss at tatay. Biruin mong pinapabilis pa ang kape ni boss? Kaso ang bilis naman ata.

Pero taliwas sa lahat ng iniisip totoo, dahil ang nabungaran ko ay talagang nagpalaglag ng panga ko.. Jusmeyo marimar!

"Tay! Bakit mo sya pinapapa-hukay ng kamote?!" Pabulong na asik ko sa ama ko nang makalapit ako sa kaniya na prente lang na nakatayo sa tabi at pinapanuod si boss na naghuhukay ng kamote. May tanaman kasi kami ng kamote sa likod bahay.

"Diba sabi ni Ginger gusto nya ng kamote? Yan ang ipapabigay ko."

"Jusko naman tay, hindi pa nga siguro yan nakakakain ng kamote e." Hindi mapakali kong sabi habang pinapanuod si boss na nginitian ako nang magtaas ng tingin.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon