Chapter 02

7.3K 199 94
                                    


"Dyan ka lang at wag kang mapilit kundi itatali kita!"

Pinilit ako ni Ginger na magpahinga muna dahil papasok sya sa trabaho. Taga-hugas sya ng pinggan sa isang kainan sa malapit. Gusto ko sanang sumama dahil balak ko rin magtrabaho, pero mapilit sya at sya raw bahala magtanong sa amo nya kung tatanggap pa ito ng aplikante.

Alas nueve nang magising ako, sakto ring dumating si Ginger na may dalang pagkain. Pinuslit nya raw dahil walang hustisya ang sahod nya kaya makatarungan lang na mag-uwi sya ng pagkain. Nagboluntaryo akong initin iyon, naupo naman sya at nagkulikot sa selpon nyang luma at may basag pa sa itaas na bahagi ng iskrin.

"Anak ng inanakan, walang likes? Ang ganda ko kaya dito! Kainis talaga pag walang active likers at hindi peymus." bulalas nya bigla. Nagp-peysbok ata.

Tumutok na lamang ako sa kung saan. Sa ganitong mga oras nung nasa probinsya ako, iyak lang ako ng iyak kakaisip sa kalagayan ng anak ko. Ngayong alam ko na kung nasaan sya at ang kalagayan nya, medyo kampante ako. Pero hindi pa rin maiwawaglit sa akin ang lungkot at pangungulila.

"Wow, babysitter? Papasa kaya ako? Ang laki siguro magpasweldo nitong si Mr. Aleksev."

Napantig ang tenga ko ng marinig ko ang apilyedong iyon. Agad akong napabaling kay Ginger. Napatingin rin sya sa akin.

"O? 'blema mo?"

Walang salita na dinukot ko ang selpon nya at binasa ang nasa iskrin.

TycoonsXCelebrity Updates

Superpower couple Alexander Aleksev and Vallerie Wendel is on the babysitter hunt again for son, Kaizer Gray Aleksev. The eight months old charmer successor of Fintan Motors was described as a 'banshee' by its previous nannies. They are looking for the tenth strong willed babysitter this month. Are you the babysitter they are looking for? Visit the site below for more info's!

https://...

Or reach their personal agent through this contact number for application:

09********

978k Reacts | 677k Comments | 32k Shares

Matapos ko iyong basahin ay wala sa sariling napatingin ako kay Ginger.

"O?"

"Luya, paki-ekspleyn."

"Bakit? Maga-apply ka?" Pinanlakihan nya ako ng mata, na hindi kalaunan ay mas nanlaki pa. "Ay shet, wag mong sabihing..."

Kung ano mang iniisip nya, mukhang may ideya na nga sya. Oo, Ginger, sya nga.

"Ep! Ikaw na naman? Diba sabi ko alas nueve pa?"

Napapadyak-padyak ako sa harapan ni manong sekyo. Kaninang alas sais ng umaga pa ako rito dahil ayokong maunahan ng ibang aplikante. Hindi ko naman inakala na masyado palang mahigpit ang kanilang seguridad at kailangan ko pang hintanyin ang tamang oras para makapasok.

"Sige na manong! Ayokong maunahan. Akin lang ang trabahong iyon, akin!"

"Nabaliw ka na ining, mag-agahan ka muna. Atras konti, social distancing!"

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now