Chapter 23

5K 185 24
                                    


"Could you tell me what on earth happened to you, Mariel?"

Humiwalay sya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hindi ako nakapagsalita at napatitig lamang ako sa sa perketo nyang mukha na madalas ay seryosong ekspresyon lang ang tanging namamalagi. Sa mamula-mula nyang labi na minsan ko nang napangiti. At sa makapal nyang kilay na salubong lagi.

"Do you have any idea what I had to do just to find you? I was fucking paranoid when I found out you were lost and couldn't find you within thirty fucking minutes!"

Nanatili akong tahimik habang nakatitig sa mga mata nyang nakikitaan ko ngayon ng kaba at takot. Puno rin ng pag-aalala ang mukha nya. Ngayon ko lang 'to nakita.. bakit, boss? Gusto kong marinig ang dahilan mula sa kaniya pero hindi ko pa kayang itanong.

"I had no idea where you were and I almost gone crazy because I thought something bad happened to you. Do you have any idea how depressing—

Hindi ko napigilang humagulhol na ikinatigil nya. Naghalo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Masyadong biglaan ang pangyayari na ngayon ko lang 'to naisipang ilabas. Kanina lang akala ko mamamatay na 'ko, tapos bigla syang dumating at nagsisigaw sa kung gaano sya nag-alala sa 'kin. Nakakabaliw!

Bigla'y naramdaman ko ulit ang mga bisig nya na pumalibot sa akin na mas ikinaiyak ko lang. Sa ngayon ay wala akong alam sabihin o gawin kundi ito lang. Huminga sya ng malalim at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hinimas nya rin ang buhok ko.

"I'm sorry. I don't know why I'm saying this, but I'm sorry."

Gusto ko syang patigilin dahil wala syang kasalanan sa nangyari. Pero gaya nga ng sinabi ko, wala akong ibang kayang gawin ngayon kundi umiyak.

"Shh. It's okay now, I'll take you back."

Naramdaman ko ang pagbuhat nya sa akin sa ere. Binuhat nya ako na para bang isa lang akong unan. Nagsimula syang maglakad habang ako ay nakayakap sa kaniyang leeg at mas isiniksik ko roon ang aking mukha. Ang bango nya kasi, at isa pa, minsan lang ito kaya lulubos-lubusin ko na. Hehe!

Ngunit nagulat ako nang mapagtantong hindi kami sa pinto patungo, bagkos ay paakyat kami! Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita ko ang isang kotse na pumasok ang kalahati sa loob ng mall. Basag ang salaming pinto at nagkalat ang mga bubog niyon sa sahig! Buhay pa ang makina at ang ilaw ng kotse. Jusmeyo...

"Boss, a-anong ginawa mo?!" Hindi ko napigilang itanong habang patuloy pa rin syang naglalakad sa hagdan tungo sa pangalawang palapag.

"I'm furious, I'm nervous and I'm hasty. Kaya binangga ko na." Parang wala lang nyang sabi.

"Pero p-paano yung sira? Yung sasakyan mo? Malamang malaki ang bayad sa naging pinsala! Dalian mo Boss, baka mahuli tayo ng mga sikyo!" Hinampas ko ang batok nya. Ba't nya kasi binangga?!

"Ouch, relax woman! I got it."

"Ha? Hindi pwede! Paano kung—

"Boss! Nahanap nyo na ba?!"

Natigil ako sa pagsasalita at nahinto rin si Boss nang marinig namin iyon. Sabay kaming bumaling sa dalawang sikyo na kakapasok lang. Habol nila ang kanilang hininga. Yung isa! Sya yung sikyo sa labas kanina, naalala ko!

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now