Ikatlong Kabanta

4 1 0
                                    


Take my hand,
Take my whole life too
Can't Help Falling Inlove with You- Elvis Presly

"Shaun—?" Ugh, bakit ba ako nauutal, hello?! Best reporter kaya ako noong highschool namin.

"Ana or Ali? What should I call you, I heard Jacob calling you Ali so yeah." Naks, pwede ng endorser ng colgate. Ang ganda ng ngiti mamsh!

"Ikaw pero Ali tawag mga close friends ko." Medyo pabebe kong sagot.

"Let's go inside. I know where they are."

"Ahh oo nga pala at sorry talaga ha for the last time and kanina." Tumawa lang siya ng kunti at nauna ng maglakad. Nakakaturn-off naman hindi gentleman at medyo masungit pa rin. Arg, gwapo na sana eh!

Okay, jam packed ang bar. Ang wild ng mga tao dito ha, akala ko chilling lang ang pag-aaya ni Jacob kasi protective naman yun kay Leila. Mamsh, ang usok! Ayokong makalanghap ng nicotine, nalalanghap ba yon?! Basta ewan ko gusto umuwi at medyo nahihilo. Masakit pa naman ulo ko kanina pa, sinamahan ko lang talaga si Leila dahil nag-aalala parin ako kahit may nakabuntot na Jacob sa kanya.

"Hey, are you fine? Medyo sa dulo kami nakapwesto para hindi masyado halubilo sa ibang tao." Pag-eexplain niya. Hays, buti naman. Wala siya sa mood makipag-socialize dahil masakit ulo niya!

"Okay lang ako. Hmm medyo naiipit lang." Anong medyo?! Naapakan na paa niya at haler naka heels ang mga nakawala na mga bihag sa kanilang hawla. Sobrang wild!

"Take my hand." Pero bago pa ako makapag-react ay hinawakan na niya ang aking kamay at ginigiya kung saan makakalusot kami. Okay, halfway na kami medyo nakikita ko na si Leira dito. Nagulat naman ako ng konti ng medyo nag-iba ang lights at nag-dim ito. Tapos naging slow music at nanadya ata tong dj ah!

"Take my hand. Take my whole life too. Cause I can't help falling in love with you."

"Tss. What a fcking song." Bakit niya minumura iyong kanta?! Favorite ko kaya iyon, very soothing and romantic lang ang peg. Aba'y bastos ito at walang pagpapahalaga sa music industry.

"Bakit mo minumura iyong kanta ha? Favorite song ko tapos bababuyin mo?!" Medyo maangas kong tanong sa kanya. Tinitigan niya lang ako at binitawan ang kamay. Gago iyon ah, iiwan pa ata ako sa dance floor! Nawawala na tuloy iyong feels ko sa kanta. Sinundan ko na lang siya at nagdadabog na umupo sa couch, katabi si Leira sa kanan at si Shaun sa kaliwa.

"Anong mood yan Ali? Nakakahiya sa mga teammates ni Jacob. Mababait naman sila at masaya kausap." Kumikinang pa ang mga mata niya habang nagkukwento. Tsk, kung alam ko lang na mabwibwiset ako sa lalaking katabi ko eh di sana sumama na ako sa kanilang dalawa.

"Ah, si Ali pala bestfriend ni Leila." Isa-isa naman nagpakilala mga teammates niya.

"Bro, magsalita ka naman dyan, may chicks oh." Sambit nung Brian kay Shaun. Hello?! Anong chicks?! Sa edad niya ay pwede na maging inahin, joke lang.

"We've met already." Tipid nitong sagot bago ito ngumisi sa kanya.

"Ows, naunahan na pala tayo." At nagtawanan pa ang mga teammates nito. So, he is a member of the basketball team. Yummy ito, panigurado!

"Sayaw muna kami bro! Ali, wanna dance?"

"Ah,sige. Mauna muna kayo." Magpapapansin pa ako sa future boyfriend ko. Hihihihi!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fast BreakWhere stories live. Discover now