Unang Kabanata

12 2 0
                                    

Now I'm shaking, drinking all this coffee
These last few weeks have been exhausting
Comethru- Jeremy Zucker

Tulala pa rin ako dahil sa mga nangyari kanina. Nagkakasiyahan na si Leila at Lira sa paglalaro ng chess pero heto pa rin ako basang- basa sa ulan. Literal at totoong basa talaga dahil pagkatapos umalis ng lalaking iyon ay umulan, syempre tinakbo ko nalang ang layo kanina, nabasa tuloy ako!

"Nagkita kami ni Shaun kanina, nagka-usap." Mahinang sambit ko pero rinig pa rin ng dalawa kaya't agad silang natigilan sa paglalaro.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Okay ka lang ba?" Agarang tanong ni Lira, hindi pa ito nakuntento at lumapit pa sa akin. Motherly vibes sa group of friends namin yan!

"Oo, hindi — ewan! Hindi ko alam, namanhid na ata ang puso ko kaya wala akong naramdaman."

Totoo naman iyon, hindi niya malaman kung nasasaktan siya dahil balewala na lang ang lahat o matutuwa dahil parang napatawad na siya nito. Manhid na ang puso niya gurl, made of rock!

"Basta nakamove-on na yun girl. 1 year na ata sila ng girlfriend niya." Sabat naman ni Leila kaya sinamaan siya ng tingin ni Mama Lira. Mag-aaway ata tong dalawa dahil sa akin eh.

"Alam ko naman iyon, gusto ko lang mag-sorry kasi nasaktan ko siya."

"Siya ang nang-iwan, ano ka ba! Hayaan mo na lang ang mga nangyari dahil kung inungkat mo baka magkagulo pa!"

"Sino ba girlfriend niya?" Alam kong may girlfriend siya pero hindi ko nalang tinatanong kung sino, mabuti na lang siguro na hindi ko pa nalalaman accidentally at baka buhusan na naman ako ng baldeng-baldeng insecurities!

"Hindi na importante iyon, ang mabuti pa ay isipin mo nalang ang trabaho mo ngayon. Mag-isip kana." Pag-iiwas ni Lira.

"Siya iyong trabaho ko ngayon. Siya ang ifefeature ng magazine." Napanganga naman ang dalawa, gets na ata nila na wala silang choice kundi sabihin sa akin ang jowa at teka isa ba sa kanila kaya ayaw nilang sabihin? Char lang!

"Elizabeth Vios" Bulong lang iyon ni Leila pero biglang sumakit ata iyong tenga ko!

"Si Eliza? Bakit? Akala ko ba?" Naguguluhan kong sambit sa kanya.

"Nadala ata sa comfort gurl!" Tumawa pa si Leila habang si Lira ay napapaismid na lang sa mga sinasabi ni Leila.

4 years ago **

Nandito ako sa labas ng univerisity ng La Salle! Asan na ba iyong si Leila? Naiinitan na ako dito gurl, morena pa naman ako baka tuluyan na akong maitim dito!

To: Leila
Coffeeshop na lang muna ako gurl. Ang init na dito!

Graduating na ako kaya medyo maluwang na ang schedule ko, mayroong time na magcomfort sa kaibigan kong si Leila dahil may tres daw siya sa Major niya at tiyak na pagagalitan ng parents nito!
Hay, kahit pala mataas ang IQ pwede paring bumagsak, buti nalang BSB ako kaya wala masyadong expectations! BSB- Bobo since birth!

Leila:
Sige, kinakausap ko pa prof ko. Sorry sa abala.

May pasorry-sorry patong nalalaman, tinotoo yata ang pagdadrama. Syempre magkaibigan kami kaya kahit hindi niya sabihin pa ay dapat nandyan ako parati sa tabi niya. Buti na lang ay afford ko pang umorder dito sa coffeeshop, hindi ata to pwedeng tambayan lang eh! Pumwesto na ako katabi sa pinakagilid malapit sa glass window. Gusto ko sana doon talaga sa may pinakasulok kaso may naka-okupa na, magsyota ata na nag-aaway! At dahil hindi naman kalakihan itong shop ay rinig na rinig ko mga sinasabi nila. Sira pa naman airpods ko, sorry Lord pero wala akong choice kundi ipalabas na lang sa kabilang tenga mga ka-echosan nila sa buhay.

Fast BreakWhere stories live. Discover now