Ikalawang Kabanata

9 1 0
                                    

I just wanna be somebody to someone.
And if the sun's upsets and the cloud goes cold.
Somebody to Someone - BANNERS

"Hoy, malandi ka!" Aray ha, hinampas pa ako ni Leila ng purse niya.

"Wala akong ginagawang masama." At sumimsim ako ulit sa iced coffee na inorder ni Shaun sa akin. Infairness ha, magaling siyang pumili sana sa susunod piliin niya rin ako para todo-todo na!

"Ang landi mo. Takot iyon sa commitment at tsaka NGSB." OMG, kung iisipin ay siya ang magiging first lady ng buhay nito!

"Ano ba whole name nun? Para maisearch ko sa fb o di kaya sa ig? Or sa twitter para alam ko drama sa buhay niya!"

"Shaun Martinez. Private acc yun lahat gurl kaya wag ka na umasa!"

"Ang hard mo sa akin ha! Minsan lang ako lumandi kaya pagbigyan mo na ako." Ngumuso pa ako para mas effective.

"Anong minsan?! Basta may kumapit lang sayo na pogi eh, minemessage mo na agad! Nakaka-stress ka dae!" Napahalakhak ako sa rason niya. Totoo naman na malandi ako kaya lang hindi natutuloy! Kaya technically, no boyfriend/girlfriend since birth pa ako.

"Para kang hindi mayaman kung magsalita, Leila."

"Hindi pera ng pamilya ko ang issue dito, Ali." Ali tawag sa mga close kung kaibigan kapag acquintances lang ay Ana. Pero mas cute yung Ali at mas aesthetic!

"Ig username beshy, pleaaaaase!"

"@shaunmartinez"

"Guuuurl, ang dami! Marami siyang poser ha, infairness. Nasaan yung legit?!"

"Hanapin mo na lang. Halika na! Magpahinga na tayo at mamaya ay pupunta tayo sa bar." Night-out life mga ateng! Parang hindi paparating ang finals ah, well deserve namin mag-enjoy noh bago apihin ng mga professors!

"Tinatamad ako mag-bar. Hindi naman ako katulad ni Lavender na party goer. Hindi ka rin naman umiinon ah, netflix na lang tayo please." Tinatamad talaga ako uminom kasi alam ko namang malalasing ako at magkakaroon ng hang-over! Ayoko ng malasing, ayoko na kahit ngayong gabi lang ayoko na!

"Pagod rin naman kasi ako Ali but we really need to go this time kahit upo-upo lang tayo doon." Pamimilit pa ni Leila.

"Ano ba kasi ang meron mamaya at hindi ka mapakali?! Tapatin mo ako Leila ha!" Sinamaan ko siya ng tingin kaya alam kong nasindak ko na siya. Oh well, para saan pa na tinawag akong suplada nila!

"Pinapapunta ako ni Jacob eh. Papakilala daw ako sa mga kaibigan at teammates niya." Nakangiwing sambit niya at teka nahihiya ba siya?! Haler, napaka-Maria Clara naman nito!

"Malamang kaibigan ka rin niya."

"Sige, huwag na lang tayo pumunta."

"Lei ha! Sobra na yang pagtatampo mo agad."

"Text ko na lang siya at sabihin na pagod tayo. Uwi na tayo sa condo." At umalis na ito patungo sa parking lot. Aba, siya pa ata manunuyo eh nagsasabi lang siya ng totoo!

Tahimik ang byahe nila hanggang pagdating sa condo. Akmang papasok na si Leila sa kwarto nito ng tawagan niya.

"Lei. Mag-usap tayo ha ayoko ng drama sa life. Magtampuhan lang tayo wag lang dahil sa mga lalaki." Napangiti naman ito ngunit bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. Umupo silang dalawa sa sofa.

"Tama ka naman Ali. Kaibigan lang niya ako at hanggang doon lang iyon." Mahinang sambit nito.

"Mahal kita Lei. Kaibigan kita at itinuturing na kapatid, pero gusto ko lang ipaalala sa iyo na maraming beses ka ng binigo ni Jacob." Hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa ugok na iyon mula ng malaman ko kung paano niya pinaasa ang kaibigan ko! Heh, akala ko pa naman eh matino iyon.

Fast BreakWhere stories live. Discover now