Chapter 37

748 12 1
                                    

(Play Paris In The Rain by Lauv)

7:30 na nang makarating kami ni Bea sa restaurant. Two-storey ito at malapit lang sya sa dagat. Glass wall din yung second floor para mas ma-enjoy nang mga diner ang view, may terrace din kung gusto mo nang medyo mahangin

"You like it love?" tanong nya sakin

'Like it' is an understatement

"I love it, thank you" sagot ko at nakita ko namang ngumiti sya

Hinalikan ko sya sa pisnge at nginitian din

"As I said, anything for you" sabi nya at hinalikan ako sa noo bago ako inalalayan papunta sa lamesa namin

"Let's seat" sabi nya at pinaghila ako nang upuan

Umupo na rin sya sa harap ko at ngumiti

"Nag-order na ako in advance, okay lang ba?" alanganin nyang tanong sabay kamot sa batok nya

Cute

"Okay lang, alam mo naman mga gusto ko" sagot ko at ngumiti, ngumiti na din ulit sya

Nagtawag na sya nang waiter at pinaserve na yung pagkain na in-order nya

Lumingon naman ako sa view at sa buwan na nasa gilid namin

Kitang kita ang maliliit na bituin sa tabi nang buwan dahil sa dilim, may mga ilaw din sa malayo at may mga nagkakasayahan sa tabing-dagat

After 10 minutes ay dumating na din yung in-order ni Bea

May seafoods, pasta at wine

"Ayos lang ba yan love?" tanong ni Bea sakin

"Of course, thank you ulit" sagot ko at for the nth time ay nginitian nya ulit ako

Kinuha nya yung kamay ko na nakapatong sa lamesa at hinalikan ito

"I love you" sabi nya

"I love you too" sagot ko naman

At sinumulan na namin ang pagkain

Napuno nang tawanan at kulitan ang buong dinner namin ni Bea

Naglakakad na kami ngayon ni Bea sa seashore

Magkahawak ang kamay at tanging ang tunog lang nang alon ang maririnig

"Love" tawag ko sa kanya

"Hmm?" sagot nya nang hindi lumilingon sakin

"Pano kapag isang araw paggising mo, wala na ako?" tanong ko

Hindi sya sumagot at humarap lang sa dagat habang nasa gilid naman nya ako at nakatingin sa kanya

"Love" sya naman ang tumawag sakin

Nakayuko sya at nakatingin sa mga lapag. Hindi ako sumagot at hinintay na magsalita siya

"Iiwan mo na ba ako?" tanong nya

Natigilan ako at hindi alam kung pano sasagot

Hindi pa ako aalis pero ramdam kong malapit na

"Bea" tanging nasabi ko habang nakatingin sa kanya

"Sabihin mo sakin kung iiwan mo na ako ha, para makapaghanda ako" sabi nya habang nakatingin sakin at nakangiti

Pero ibang ngiti ang ipinapakita nya, hindi ito yung ngiti na lagi kong nakikita

Friendship GoalsWhere stories live. Discover now