Chapter 15

1.7K 32 0
                                    

Jho POV

Nagpaalam si Bea na sasagutin lang ang tawag nya pero hanggang ngayon di pa rin sya bumabalik kaya naisipan kong pumunta nang hotel para sana icheck kung andun na sya

Pag dating ko palang sa hotel entrance nakita ko si Bea na may kahalikan na babae, para akong napako sa pwesto ko at hindi ko alam ang gagawin

Nung lumingon sakin si Bea agad agad akong tumakbo palayo pero dahil sa nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha, tumigil ako at naabutan ako ni Bea

"Jho, let me expl---" pagpuputol ko sa kanya

"ANO PANG EXPLANATION ANG SASABIHIN MO, NAKITA KO NA ANG DAPAT KONG MAKITA" sigaw ko sakanya

"It's not what you think" sabi nya at binitiwan nya ang pag kakakapit nya sa kamay ko

"Eh kulang na nga lang lamunin mo sya nang buo, take note in public pa, ang bababoy nyo" sabi ko at naglakad na palayo sa kanya pero hinawakan nya ang braso ko

"Bitawan mo ako, ano ba" sigaw ko sa kanya

"Hindi kita bibitawan hanggat di mo ako pinakikinggan" sabi nya

"Bitawan mo ako sabi eh, nasasaktan na ako Bea" sabi ko sakanya habang naiyak kasi ang diin nang hawak nya saakin

"Jho makinig ka saakin, yung nakita mo kanina, di ko ginusto yun, lasing si Jana" sabi ni Bea

"Wag na natin pag usapan toh, pagod na ako, tsaka kaibigan mo lang naman ako diba, wala akong karapatan magalit sayo" sabi ko sakanya emphasising the word kaibigan at naglakad na papuntang kwarto namin

That's it, kaibigan nga lang ako kaya wala akong karapatan mag selos

Denden POV

Naiwan kami nila Jia, Ella, Kat, Ponggay at Deanna dito para magligpit. Pinauna na kasi namin yung iba at mga lasing na lalo na sila Amy at Alyssa

"Bes,tara na tapos naman na tayo mag ayos eh" sabi ni Jia

"Bes, diba si Aly yun?" sabi ko sabay turo dun sa babaeng may kahalikan malapit sa bar

"Ano ka ba, di ba lasing na nga si Aly at sigurado na sa hotel na yun, tulog na tulog" sabi naman ni Ella

"Hindi eh parang sya talaga yun eh, Jia samahan mo ako, Ella mauna na kayo susunod kami" sabi ko naman sa kanila at sumunod naman sila, kinaladkad ko naman si Jia papunta sa mga halaman malapit sa bar

"Huy, anong balak mo Dennise Michelle Lazaro?" tanong sakin ni Jia

"Hoy Julia Melissa Morado, sisiguraduhin ko lang kung sya nga yun" sabi ko sa kanya

At nung makalapit kami, tama nga ako nang hinala sya nga yun

"Bes, ano nang balak mo?" tanong ni Jia

"Di ko alam, di naman kami para magalit ako eh, gusto ko lang talaga malaman kung sya nga" sabi ko at naglakad na palayo, ramdam ko kasi na tutulo na yung luha ko

"Bes, ayos lang yan" sabi ni Jia nang maabutan nya ako

"Tara na sa hotel, pagod na rin ako eh" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko

"Tara na bes, lagot sakin bukas yang alyssa na yan" sabi naman ni Jia

"Wag na, ako nang bahala sa kanya" sabi ko naman at naglakad na papuntang hotel

Friendship GoalsWhere stories live. Discover now