Chapter 32

1.1K 42 4
                                    

Pumasok ngayon kami ni Maddie sa ospital, tinanong namin kung saan yung room ni Jho

Sinabi naman agad nung Nurse na kasama din ni Jho kanina

"Nurse Aya, kamusta na po sya?" tanong ko sa nurse na naka assign kay Jho

"Jho? She's so strong, sabi nya ay lalaban sya para sa pamilya nya" sagot nya sabay ngiti

I'm glad to hear that. Alam ko naman na yun ang gusto nya

Maya maya pa ay nakarating na kami sa kwarto ni Jho

Naunang pumasok si Nurse Aya

"Jho, may bisita ka" narinig naming sabi nya kay Jho

"Sino?" Rinig ko yung boses ni Jho at ngayon pa lang gusto ko na umiyak

Napalingon ako kay Maddie nang hawakan nya yung balikat ko

"Pasok kayo" sabi ni Nurse Aya at mas lalong linakihan yung bukas nang pinto

Nakita ko naman si Jho na nakaupo malapit sa bintana na nagulat sa pagdating namin

"B-bea? M-maddie?" nagtataka nyang sabi

Makikita mo sa mga mata nya yung saya at takot?

"H-hey" tawag ko sakanya, mukha kasi syang natulala

Mas napansin ko yung medyo manipis nyang buhok, yung ilang pasa sa braso at leeg nya, mas nakita ko rin yung pagpayat nya

"Jho" pagtawag naman sakanya ni Maddie

Nasasaktan ako sa lagay ni Jho

Bakas yung lungkot at pagod sa kanya

"A-anong ginagawa nyo d-dito?" mukha namang natauhan sya sa pagtawag ni Maddie

"We came to visit someone important" sagot ko naman

Nakita ko naman na parang nalungkot sya, lumingon ulit sya sa bintana

"Pauwi na kayo?" tanong nya habang nakatingin parin sa bintana

Napangiti naman ako sa inasal nya

Still my old Jhoana

"Silly, iwan ko muna kayo Bei" sabi ni Maddie at lumabas nang kwarto kasama si Nurse Aya na nasa cr kanina

Di pa rin sila nilingon ni Jho

I stared at her while she's looking at the birds flying above the sky

"I've always wanted to be like a bird" sabi nya habang nakatingin parin sa langit

Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy sya

"Parang ang sarap sa feeling na malaya kang nakakalipad kahit saan mo gusto" sabi nya ulit at nakikita ko yung saya sa mukha nya

Naglakad ako palapit sa kama at dun umupo, nasa harapan ko naman sya

"Pag namatay ako--" sabi nya kaya pinigilan ko sya

"Stop that Jho" seryoso kong suway

I don't want hear her talking about death like it's the most normal thing

Narinig ko ang mahina nyang tawa

"Hear me out first" sabi nya sabay lingon sakin

Nginitian nya ako baka lumingon ulit sa bintana

Friendship GoalsWhere stories live. Discover now