Chapter 33

1K 25 6
                                    

3 weeks has passed. Umokay ang lagay ko

Nakalabas na ako ng ospital at babalik nalang for the theraphy. Alam na nang parents ko at parents ni Bea na kami na

Masyado bang mabilis? Ayaw ko na kasing magsayang ng oras pero araw araw naman nya akong nililigawan

Alam na rin nang mga kaibigan namin and sobrang saya nila para samin

Flashback:

Nandito kami ni Bea sa loob ng office nya sa resto, may mini reunion kasi ang Lady Eagles at sa resto yun ginanap. Nasa second floor lahat sila

"Babe, tara na" pagtawag nya sakin

"Sure" sagot ko sabay ngiti

"Are you okay?" tanong nya

"I'm nervous, ngayon lang natin sasabihin na may sakit ako diba?" sagot ko kaya hinawakan nya yung kamay ko

"Maiintindihan nila yan, they love you" paninigurado nya sakin

"I love them too" sagot ko kaya napangiti sya

"I love you more" sagot nya ulit at hinalikan ako sa noo

"I love you most kaya tara na at baka naiinip na yun" sagot ko kaya napatawa sya

Bumaba na kami sa second floor at sinalubong naman nila kami nang tawanan, di naman halata na namiss nila kami

"Girls, may sasabihin kami ni Jho" pagkuha ni Bea sa atensyon nila

Hinawakan ni Bea yung kamay ko sa ilalim nang lamesa at sinenyasan ako na magsalita na

"I- I have a stage 2 l-leukemia" sabi ko habang nakayuko

Natahimik naman lahat sila, maya maya ay lumapit sila at inakap ako

"Andito lang kami Baby Jho" sabi ni Ate Den

"Stay strong besh" sabi naman ni Jia

"Laban lang Ate Jho" si Deanna naman ang nagsalita

"Sasamahan ka namin Jho" si Maddie naman ngayon

"Magpagaling ka, Jhoana" si Ate Ly naman ang nagsalita

"Pagaling ka nak" si Ate Ella ang nagsalita ngayon

"I love you Jho, I'll stay with you" narinig ko ang boses ni Bea

Di ko mapigilan yung luha ko

What did I do to deserve this kind of friends?

Gagawin ko lahat para sa kanila

End of Flashback

"Love, tara na?" tawag sakin ni Bea

Hiniling ko kasi sa kanya kung pwede na magtravel kami around Philippines. Pumayag naman sya at sya na raw bahala sa destination namin

Friendship GoalsWhere stories live. Discover now