Chapter 10

1.8K 32 0
                                    

5 months ago

Andami nang nangyari, ayos na kami nila Maddie, tinigilan na ni Ged si Jho, opening na nang UAAP Season 80 at may laban kami sa FEU on Feb 4 2018

"Ate Bea, ano na pong plano nyo?" tanong ni Deanna na nag pabalik sakin sa realidad

"What time na ba?" tanong ko sakanila

"11:25 na po, malapit na po labasan ni ate Jho" sagot sakin ni Pongs

"Oh sige gento, sunduin nyo sya and pag malapit na kayo dito text me and iblindfold nyo sya, okay" sagot ko sa kanila

Birthday kasi ngayon ni Jho, tapos kaninang umaga beastmode pa sya samin hehehe

*FLASHBACK*

"Guys, andyan na si Jho yung sinabi ko kanina ha" sigaw samin ni Ate Aly, plano kasi naming bwisitin si Jho at wag syang batiin sa birthday nya, sabi samin ni ate Ly dapat daw maging cold kami sakanya

Mukang papalpak ako ahh

"Good Morning guys" sabi ni Jho nang makalapit sya samin

"What's good in the morning" sagot sa kanya ni Maddie with matching irap pa, magkatabi kasi sila

"Grabe naman toh, ang aga aga beastmode" sabi ni Jho at lumipat sa tabi ko

"Morning Beh" sabi nya naman sakin

"Morning" sabi ko with cold tone

Pinipigilan ko lang yung tawa kaya lumingon ako sa kanila pero ganun din ang itsura nila

"Jho, you're late" sabi ni ate Aly habang papalapit samin at naramdaman ko naman na kumapit sakin si Jho kaya lumayo ako, ayaw nya kasi nang napapagalitan

"Ate Aly, sorry po tinanghali po kasi ako nang gising tsaka tinapos ko pa yung thesis ko, Sorry po talaga" sabi ni Jho habang nakayuko

Nako mamaya iiyak na toh, knowing her she's so emotional

"Okay, dahil importante ang araw na toh sakin, just do 10 push ups and 15 sit ups" utos ni ate Aly habang si Jho naman ay yumuko lang at nag lakad papunta sa dulong part nang BEG

Tiningnan ko si Ate Ly na nagpipigil nang tawa, nung tumalikod si Jho, ayun tumawa na

Water break at kakatapos lang din ni Jho sa parusa nya at ngayon nag lalakad sya papunta sakin

"Huy, may inannounce ba si Ate Aly na maaga ang training ngayon" tanong nya saakin

I just nod as an answer

"Bakit di mo sinabi sakin?" tanong nya

"I forgot" sagot ko

"Uhmm okay, may gagawin ka ba mamaya? " tanong nya saakin, sigurado magyaya tong kumain sa labas

"Yes, I'm busy" sagot ko

"Wala ka bang naaalala na importante ngayon" tanong nya

Nagpaparinig na toh tungkol sa birthday nya

"May meeting kami nila dad" sagot ko naman at halatang nalungkot sya

"Ahh ganon ba, sige tara training na tayo" sabi nya sabay lakad palayo

"Okay guys, pwede na kayong pumunta sa classes nyo, may meeting pa kami nila coach, have some rest muna" sabi ni ate Aly samin

Friendship GoalsWhere stories live. Discover now