Chapter 4

2.5K 39 0
                                    

Fast forward(8 days)

Nagising ako dahil sa tunog nang alarm clock, kinapa ko yung tabi ko pero wala na si Jho,baka nasa baba na yun anong oras na ba?

Time Check: 5:00 am

"Sh*t" sigaw ko sa sarili ko

1 hour nalang malelate na ako sa training, push up na naman toh

Agad akong tumakbo sa cr at mabilis na naligo inayos ko na din yung bag ko then nag bihis na ako. Pagbaba ko, kinuha ko agad yung car key ko at palabas na sana nang may tumawag sakin at kilala ko ang boses na toh

"Hey Jho lika na malelate na tayo" sabi ko sa kanya na may halong pagkainis. Pano ba naman kasi busy pa sa pagkain eh anong oras na

"Wait, ang aga pa kaya ano ba" sabi nya sakin sabay subo nang pancake

"Aiishhh, bahala ka nga dyan" at lumabas na ako nang pinto

"Bea, antayin mo ako" rinig kong tawag ni Jho sakin pero di ko sya pinansin

Pagsakay ko sa kotse lumabas naman nang pinto si Jho na nakabusangot

"Akala ko ba di ka sasabay ha" tanong ko sa kanya pero nakatutok lang sya sa cp nya at parang may ka text

Jho POV

Maaga akong nagising kasi nga may surprise kami kay Bea sa BEG(shhhh, walang maingay)

Di ko muna ginising si Bea kasi baka mamaya mag madali yun umalis. Kinausap ko ang team kahapon sinabi ko na birthday ni Bea bukas at maghahanda kami nang surprise sa kanya before the training kaya pumayag naman sila, mamaya pa training namin 8 am pa, kinausap nadin namin si Coach Tai pumayag naman toh.

Nakita ko si Bea na pababa na at tinext ko agad sila Ate Aly para sabihan na nagmamadali na si Bea at papunta nya dyan

"Bea" sigaw ko para matagalan sya

"Hey Jho lika na malelate na tayo" sagot naman nya na may halong pag kainis

"Wait,ang aga pa kaya ano ba"
singhal ko naman sabay pa cute pero waepek eh

"Aiishhh,bahala ka nga dyan" sabi naman nya habang mabilis na lumabas nang pinto

"Bea, antayin mo ako" sigaw ko pero di nya ata ako narinig

Paano ba yan di pa sila tapos dun

Sumunod naman ako kay Bea syempre wala akong sasakyan pero ka text ko pa din si ate Aly

Tinext ko si Ate Aly para sabihin na on the way na kami ang sabi nya dumaan daw muna kami sa dorm para matagalan kami nang konte

"Bea, daan muna tayo sa dorm may pinakuha lang si ate Aly" sabi ko kay Bea

Tinigil naman nya yung kotse para makababa kami and sabi nya mag aantay nalang sya sa labas. Pag pasok ko agad kong tinawagan si Ate Aly

"Hello, Ate Aly were here at the dorm na" sabi ko at narinig ko naman na nagmadali na silang lahat

"Okay, malapit na kaming matapos"  sabi naman nya

"Wait, sabi ko kasi kay Bea na may pinakukuha ka kaya kami dumaan dito" sabi ko naman

"Get my knee pad there sa drawer ko, sige na magaayos na kami"

Kinuha ko na yung knee pad ni ate Aly sa drawer at lumabas na nang makita ko si Bea na malungkot

Bea POV

Hanggang ngayon wala pa ding nakaalala sa birthday ko,ilang weeks ko din silang pinariringgan pero dedma lang sila kahit si Jho nakalimot na, kaya badtrip ako sa kanila eh

"Okay ka lang?" tanung sakin ni Jho, medyo ngumiti ako nang pilit para hindi sya makahalata

"Oo, okay lang ako nakuha mo na ba yung pinakukuha ni ate aly?" pag sesegway ko

Umoo naman sya kaya sumakay na kami nang kotse

Pagdating namin sa BEG ay para silang nakakita nang multo pero nung tiningnan ko na sila ay agad naman silang umiwas

"Ate Aly, bakit may takip yung kabilang part nang BEG?" tanong ko kay ate aly pag pasok ko sa BEG

"Ahh... Uhmmm... ano kasi uhm may surprise daw si coach eh hehehe" sabi nya pero parang may di sya sinasabi eh. Di na nga bumati may nililihim pa tskkk

Di ko na sila kinibo hanggang sa mag announce si ate aly na may game daw

TEAM A:

*Bea
*Jia
*Jho
*Ria
*Maddie
*Amy

TEAM B:

*Kat
*Jules
*Deanna
*Ponggay
*Alyssa
*Kim

And the game is set,ang team a ang first serve and score naman agad kami,malapit kami sa part na may takip kaya di ko maiwasang madistract pero pag may taym naman na magbablock ako, nabawi naman ako

Patapos na yung 4th set namin at lamang kami nang isa pero di pa rin maalis yung tingin ko dun sa telang nakatakip sa kalahati nang BEG

Pumalo si Ate Ly at di ko nasalo yun kaya tumama to dun sa tela at nalaglag ito nang dahan dahan at nung mawala na yung tela ay nagulat ako sa sunod na nangyari........

A/N:

This is an edited version already, I didn't change some things. I just added and corrected some errors

Friendship GoalsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ