Chapter 1

44 6 19
                                    

Nang nakauwi na kami sa bahay medyo madilim na at wala na yung mga magulang namin ni Kai. Inaasahan namin iyon, hindi naman ako mapakali sa pagkamot ng ulo ko.

“May kuto ka ba?” Tanong ni Kai.

“WALA!” Naiinis kong sagot.

“O bakit ka galit inaano kita? Kakapasok lang
natin sa bahay may saltik ka agad.” Inirapan ko lang siya.

Inikot ko pa yung paningin ko pero di ko parin siya mahanap. Pumunta akong kusina kung saan siya palaging nakatambay pero wala siya.

“KAI!” Sigaw ko.

“ANO?!” Tanong niya na may pagkairita sa boses.

“Where’s my cat? Labas mo!” Halos mapamura naman siya dahil sa pagbintang ko.

“You know what, Sana tinanong mo ako kanina pa kung nasaan ang pusa mo  di yung mag sigaw sigaw ka diyan sarap mong upakan!” Pagalit na sabi niya.

“So nagagalit ka?” Tanong ko na medyo huminahon baka masapak pa ako.

“Di ako galit! Nandoon yung pusa mo.” sabay talikod.

Di daw galit tapos sumisigaw? Baka siya pa yung masapak ko. Pinuntahan ko yung tinuro niya at ayun nga yung pusa ko natutulog.

“Meow?” (hi) Bati ko sakanya.

Pero deadma parin ito, Di ka magising ahhh. Kinuskos ko yung tiyan niya at maya maya nagising na rin ito.

“Meow!” (disturbo) Sabay irap.

Wow tusukin ko yang maliit mong mata. Maattitude talaga itong pusang ito.

“Meow?” (hey,sorry) Kausap ko sakanya.

“Meow! meow! meowwwwwww!” (sarap ng tulog ko tapos sturbo ka!)

“Meow, meow.” (sorry na please)

“Meowwwww!” (alis!)

“Meow, meow.”

“HOY!”

“PISTI!” Biglang sigaw ko, ito naman kasing si Kai sumusulpot kahit saan.

“Anong ginagawa mo diyan nabagok ba yang ulo mo at kumakausap ka sa pusa? Bala ka nga!" Sabay talikod.

Hinawakan ko muna yung pusa bago tumayo at sinundan siya na nasa sala busy sa cellphone. Siya kaya yung tinutuyo.

“Ba't badtrip ka?” Tanong ko nito.

“Wala.” Simpling sagot niya.

“BAHALA KA NGA DIYAN! UTAK MO MAY ABU!” Tinalikuran ko na siya ayaw niyang sabihin sa akin bahala siya sa bitlog niya.

Dumaritso ako sa kwarto ko at binalibag yung pintuan para madinig niya yung pagdadabog ko. I collapsed my body to my bed at later on nakatulog na ako.
.
.
.

Nagngangalit ang kidlat na gumuhit sa kalangitan. Sinabayan ng maingay na kulog ang malakas na buhos ang ulan nang gabing iyon sa may kalsada na para bang may hinahabol ako hanggang may nadinig akong bangga ng sasakyan. Huminto ako at nilapitan ito, pero wala akong makitang kahit ano hanggang may nagsalita sa likuran ko.

“You killed her.”

“Huh, anong her?” Tanong ko dahil wala akong clue sa sinasabi niya.

“Look who’s pretending to be a saint here.” He’s cold voice make me tremble.

“N-no s-sino bang t-tinutukoy mo?” Tanong ko ulit.

“You killed her. Ano ang pakiramdam na ikaw ang pumalit sa posisyon niya? Hmm? Ikaw dapat ang namatay hindi siya.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mandela Mamories (On Going)Where stories live. Discover now