Special Chapter #2

Start from the beginning
                                    

"Siguro nga tama sila. Payag naman silang magpaiwan e," sabi ni Nathan at naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya nilingon ko siya. "Ano, kulet? Tayo-tayo nalang."

"Pa'no si little Gavin ko? I can't celebrate the New Year's eve without my babies," malungkot na sabi ni Gail.

Hala, first time kong mahihiwalay sa mga anak ko. "'Wag nalang kaya?" kusa nalang na lumabas sa bibig ko. Parang ayoko na.

"Mama, magiging ayos lang po kami dito," Prince answered in assurance. "Diba Keith?"

"Opo, Mama. Maglalaro kami po nina Gavin, Ate Jewel, Ate Precious, Kuya Damian at Kuya Prince. Tapos po maglalaro din po kami nina Ate Claine sa Dis----"

Hindi na natapos ni Keith ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Prince ang bibig niya. Okay, what's going on? "Yes, Ma. We're fine here."

"At saka po, bawal po kaming um-absent sa first day of class sa January," sa wakas ay nagsalita din si Jewel, ang pinakatahimik sa anak ni Gail. In fairness ah, nakarami sila.

"Bakit?"

"E kasi po Dad, make up classes po namin 'yon. Remember, ang haba po ng suspension sa amin. We need to catch up," Jewel reasoned.

Bakit ba napakadesisido ng mga batang ito? Grabe. Ang swerte nga nila e. Dati kami ni Gail, pinagdadasal namin na makapag-cruise, tapos sila? Oh well.

"Dad, please?" Si Damian.

"Pa, sige na. Magpapakabait po kami dito." Si Prince.

Tumingin si Kurt kay Gail at sa akin naman si Nathan. Tila nangungusap sa mga paningin. Bumuntong-hininga ako. Ang sakit sa puso! Parang ayoko silang iwan. Alam mo yung mother's instinct? Geez, parang may mali e.

Nagkatinginan naman kami ni Gail. Nakapout siya kaya napapout na rin tuloy ako. One to two weeks lang naman diba?

"Okay," sabay na sagot naman ni Gail at kasabay nun ay nakakabinging tilian ng mga bata.

"Yipee!!"

"Yes! Thanks, Papa!"

"Kyaaaaaah!"

Now, I'm sure there's something's going on with them, isn't there?

***

"Si Gavin, i-vitamins mo ha? 'Wag mong hahayaan na matuyuan ng pawis 'yan sa likod... Manang, 8:30 pa lang patulugin mo na siya, okay?... Alright. At saka pala patulugin mo rin siya sa tang--- Kurt! Kinakausap ko si manang!"

"Bye, manang. Take care of the kids."

Pinapanuod ko lang sina Kurt at Gail na magharutan. Yes, harutan ang tawag ko sa mga ganyang damoves ni Kurt. Ganyan din naman si Nathan sa akin e. Kagaya nalang ngayon, nakasandal siya sa balikat ko habang magkahawak ang mga kamay namin. Kasalukuyan kaming nakasakay sa bus papunta sa port kung nasaan ang cruise ship na sasakyan namin. From the airport, sinundo kami ng bus na ito. Buti na nga lang pala talaga at hindi kasama ang mga bata. Hindi ko alam na kailangan pa pala naming lumipad papunta dito sa San Diego, U.S.A para lang maranasan yung cruise ship na 'yon. Kamusta naman yung gastos diba?

"Kurt! I wanna talk to--"

"We're on a vacation, baby love and please tone down your voice. Pinagtitinginan na tayo."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Where stories live. Discover now