Chapter 24

565 75 41
                                    


Cloe Ysabelle Kimyentos:


It's the battle of audacity and guts. Kung akala mo na ikaw na ang pinakamalakas dito, well sorry for you, cause you're not.


Agad ko sinampal ang babaeng nasa harap ko. Slowly but surely. Then sinakal ko siya sa leeg gamit ang isang kamay ko. Tinignan ko siya ng masama. "I need your points." walang alinlangang turan ko rito at hinawakan ng marahas ang wrist niya. I flashed mine, later, dumagdag na ang nakuha kong points.


"Cloe, di pa rin nahahanap ng barkada ni Danica yung grupo ni Sky." pahayag sakin ni Roxanne na kakarating pa lang sa kinakatayuan ko. Hingal na hingal ito at mukhang nagmadali para lang makapunta rito.


Dali-dali ko namang tinulak palayo ang babaeng sinasakal ko kanina. She started sobbing pero hinayaan ko lang yun. Napaharap ako kay Roxanne habang nasa likod ko si Danica. Tinignan naman namin ito na nakataas ang kilay. "Why? Bakit di pa nahahanap?"


"They are afraid to play this game ruthlessly." nakangising bulong sakin ni Danica. Pinagmasdan lang siya ni Rox ng tahimik.


I snapped. "We need to find them." sabi ko sabay lakad. Sumunod naman ang dalawa sa likod ko.


"But ang laki-laki ng Teen Militia." asik ni Roxanne. "Iutos mo na lang sa mga boys ang pagbugbog sa kanila."


Oh my God. Weak people do that. Ako hindi.


Napatigil ako sa paglalakad at hinarap sila. Naestatwa naman sina Danica at Rox sa kanilang kinakatayuan. "May twenty minutes pa para mahanap natin sila." ngumiti ako na parang malalagot silang dalawa kapag di natuloy ang gusto kong plano.


We will beat up Sky and her friends asses. Hindi ako papayag na pinagtritripan lang nila ako. Nilagyan ba naman ng bubog yung front door ng dorm namin ni Roxanne. Muntik na ako masugatan non. Mabuti na lang napansin ko kahit maliliit ito. I'm the third inheritor at hindi pwedeng ginaganon lang ako. I will fucking ruin Sky's face. Ang kapal niya kahit kailan. At ang bago niyang kaibigan na transferee? Mas makapal mukha non, may gana pang maglakad lakad sa harap ko knowing she's a stupid cheater.


Walang makakalampas sakin. Sisiguraduhin kong babagsak ang dalawa.


Knowing my cousins, mas pinapa-paboran nila sina Sky at Hannah kaysa ako na mismong pinsan nila. I'm the queen of Teen Militia before I left here two years ago. Ako yung love na love ng tao. Nasa akin lahat ng attention. Maraming naiinggit. Pero bakit parang ngayon hindi na? What happened?


Dahil ba kay Sky? Kay Hannah na hamak transferee lang? I don't get it. I really don't.


Tinignan ko sina Danica at Roxanne na nag-aabang lang sa gagawin ko. I breathed silently. "I have another plan." wala sa wisyong sabi ko.


Muli akong lumingon sa harap at nagpatuloy sa paglalakad. Madidiin ang mga yapak ko at parang manunugod na ng tao. Pustura akong nakatayo at matatalim akong nakakatitig sa mga taong dumadaan saamin. No one dares to attack a Cloe Kimyentos. Try lang nila, they don't want their life to be ruined by my devilish personality.

Teen Militia: School For The Criminals [Novel #1]Where stories live. Discover now