Chapter 15

764 154 22
                                    


Nagtataka kong tinignan ang dalawa. It's raining here. The clouds were dark. Di ko alam kung nasaan kami pero pakiramdam ko nasa rooftop ng kung anong building. I was bathing with blood and raindrops.


Nakakapit ako sa isang tubo habang naka kulambitay sa ere. Parang mahuhulog ako. Hindi ko alam kung ano o pano ako nakapunta rito. All I know is I'm in pain. At isang maling hawak ko lang rito ay mahuhulog ako sa mataas na bahagi ng building.


Tinignan ko ang dalawang lalaki na basang-basa sa ulan. Nag-aagawan sila ng baril. Duguan rin sila at tila napapawisan. They were fighting. Why?


Napasulyap sakin si Liam. Hindi ko alam pero inaagaw nito ang baril na hawak ni Lance na nakatutok sakin.


What the hell? Ano bang nangyayari dito?


Agad siya siniko ni Lance sa panga. Napa-atras si Liam at tinignan nang masama ito. Kukuyugin niya sana ang lalaki pero agad siya nito tinulak papunta sakin. Papunta sa end ng rooftop kung saan pwede rin siyang mahulog.


Napasigaw ako. Hindi sa nangyayari sa kanial pero sa sakit na nararamdaman. May sugat ako sa tiyan at tila bang sinaksak kanina. What is this?


Ano 'to? Ano ba yung nanagyayari? Yung totoong nangyayari?


Ulan, malalakas na pag-ulan. Madilim na paligid. Malamig na simoy ng hangin na sinesenyasan kaming tatlo na pare-parehong mamatay rito sa rooftop. Yung kulog at kidlat na nagpapadagdag sa takot ko.


Di ko na namalayan na naagaw na ni Liam yung baril. Agad niya ito itinutok kay Lance. Napatigil si Lance at napataas ng kamay. Di natinag ang anak ng headmaster at itinulak pa si Lance rooftop. Napakapit na rin ito sa isang tubo tulad ko. Napakunot ang noo ko. Totoo ba 'to?


Tinignan ko ang mukha ni Lance. Unti-unting lumalabo ang vision ko. Idunulas ko rin ang tingin kay Liam. I can't see his face right now. Is this a dream?


Bang!


Napa-upo ako sa kama sa sobrang takot. Hingal na hingal ako habang hinahawakan ang kumot. Malakas ang tibok ng puso ko at pinapawisan rin. Madilim na sa kwarto at inilibot ko pa ang tingin ko. Nakita kong tulog na tulog si Sam.


Huminga ako nang malalim bago napapikit. Panaginip lang 'yon, Hannah. Panaginip lang. Agad ko kinomfort ang sarili ko sa pamamagitan ng paghimas ng sintido. Kung ganon lang yung nakikita ko tuwing gabi at tulog ako, napapa-isip ako ng malalim, ano namang relate nila sakin at napapanaginipan ko ang dalawa?

Teen Militia: School For The Criminals [Novel #1]Where stories live. Discover now