Chapter 10: Groundbreaking

Start from the beginning
                                    

Well, ayoko rin namang sumasama sa kanya noon. Tumingin si kuya sa relo niya. "Sige. Can I pick you up around, 8pm?"

"Thank you Kuyaaaa." Sabi ko sabay yakap kay kuya.

Naglakad na ako papunta sa may taxi lane. Ang galing talaga pumili ni kuya ng location. Yung kitang kita, may malapit na sakayan at maraming nakapaligid na public places like parks and may nakikita rin akong malalapit na malls. Saktong pagkauwi ko tumawag si Calyx.

"Oh, Lyx! Parating na ako. Kukuha lang ako ng damit ko." Sagot ko kay Calyx.

"Sunduin na kita Ali. 'To kasing si ate, nagpupumilit na sunduin daw kita. Malapit na ako jan sa inyo." Sabi ni Calyx at binaba ang telepono.

Dali dali ko ng inayos ang bag ko at nagpalit ng shorts dahil naka semi formal ako kanina. Palabas na ako ng kwarto nang may biglang nag door bell.

"Allison?" tawag sa akin ni Calyx. Sasagot na sana ako nang pumasok siya sa bahay.

"Ali, tara na?" tanong ni Calyx sa akin.

"Saglit, shirt ko pa." tataas na sana ako sa room pero hinila ako ni Calyx palabas ng bahay.

"Tama na pagiging atat. Pahiraman kita." Pang-aasar ni Calyx.

Tinignan ko siya ng masama at natawa naman ang loko. Sumakay na kami dahil hindi din naman ako pinabalik ni Calyx. Pagdating namin sa bahay nila, agad akong sinalubong ni ate Stacey.

"Ali, glad you came! Kamusta groundbreaking ni Paul?" Tanong ni ate.

"Ayos naman ate, sayang nga eh, hindi niya alam na nakauwi ka na pala." Sabi ko sabay yakap kay ate. "Happy Birthday ate!" bati ko sa kanya.

"Naku ate, pasensya na ha. Hindi kita nabilhan ng regalo, kasasabi lang kasi ni Calyx sa akin kanina." Pagkasabi ko kay ate, binatukan niya agad si Calyx.

"Ikaw talaga! Sabi mo sa akin ikokontak mo si Ali eh."

"Aray ko naman! Sorry na. Nakalimutan lang eh." Pagmamaktol ni Calyx.

Natawa nalang ako. Kapag andito kasi si ate, laging kawawa si Calyx. Lakas pa naman mag-asar at manakit ng ate niya. Medyo may kalawakan ang bahay nila Calyx. Apart from investor si daddy niya ng school namin, isa rin siya sa pinaka kilalang businessmas dito sa Pilipinas. Si tita naman, isang surgeon sa hospital. Pero kahit ganon, hindi rin nila pinalaki sa luho ang mga anak nila. Tatlo sila Lyx na makakapatid. Si ate Stacey, siya, at ang nakababata niyang kapatid, si Matthew.

"Allison!" Bati ni Jester. Kaya napatingin silang lahat sa akin. Andito pala lahat ng tropa.

"Hi Ali! Ayan na, 'di na malulungkot si Calyx! HAHAHAHA!" Asar agad ni Lexter kaya natawa silang lahat. Ang lakas kasi ng boses netong Lexter na'to eh.

Kung sabagay, nagiging tambayan din namin kasi naming lahat ang bahay naming magkakabarkada kaya lahat natatawag kapag may celebration. Binati ko silang lahat nang may nahagilap ang aking mata. Si kuya Brent. Tumingin din siya sa akin at napangiti.

"Huy, kilig ka?" asar ni Calyx sa akin sabay akbay.

"Bakit, selos ka?" natatawang pang-aasar ko sa kanya.

"Sus, feeling mo rin 'no?" sabi niya sa akin.

Nagulat naman kami nang bigla kaming akbayan ni Ate Stace. "Magiging kayo rin!" bulong niya sa amin.

"Ate!" sabi namin sa kanya pareho at kinawayan naman kami paalis.

"Sus, kuya, aminin mo na kasi mga sinasabi mo sa akin. HAHAHAHAHA!" sabi ni Matt at lumakad pasimple papunta sa pool.

Umupo muna ako sa isang banda malapit sa may pool at nilublob ang paa ko. Tatayo na sana ako nang biglang may humila sa mga paa ko papunta sa pool.

"Calyyyyyyyx!" sigaw ko.

Tawang tawa naman sila Lexter na pinapanood ako. Kahit papaano naman kaya ko namang lumangoy. Maya maya pa, nag-enjoy na kaming mag swimming lahat sa pool. Pagkatapos ng isang oras, pinaahon kami ni ate Daisy para sa late lunch.

"Happy Birthday to you,

Happy Birthday to you,

Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you."

Bati namin kay ate Stacey at hinipan na niya ang birthday cake niya. At dahil 24th birthday ni ate, may hinanda sila tita na 24 gifts from special people na kinagulat ni ate. Kaya pala wala sila tito dito kasi busy sila sa pagbalot at mag ayos ng mga relagong 'yon.

"Here are 24 gifts from 24 special people in your life Stace. Happy 24th!" bati ni tita.

"Thank you so much, ma, dad. It really means so much to me." sabi ni ate Stacey.

"First of all, thank you for coming today. Thank you kasi kahit papaano, you came despite of this day being a family day. Thank you for all your wishes, greetings and gifts. Super thankful ako na magkaroon na friends turned family tulad niyo guys. Super thank you sa family ko, kay mama, kay dad, at sa dalawa kong kapatid, Calyx and Matthew. Thank you for making this day be the best and extra special." Mensahe ni ate sa amin.

"Let's all toast for a best year for Stacey." Sabi ni tito kaya kinuha naming lahat ng juice naming at nag toast.

Pagkatapos, kumain na kaming lahat. Magkakasama kami sa isang table nila Calyx, Jester, Lexter, Kaitlyn, Jacob at Alex. Sila kuya Brent kasi, kasama nila sila Ate Daisy at ibang barkada nila sa kabilang table.

"Calyx or Brent?" tanong sa akin ni Lexter. Naglalaro kasi kami ng truth or dare.

Hindi ako umimik, lahat kasi sila nakatitig sa akin. "Or." Sagot ko at mukhang dismayado sila.

"Ali naman eh!" sagot ni Jester. Natawa naman ako.

"Eh bakit ba kasi ganyan ang tanong niyo?"

"Kung ayaw mo, mag dare ka nalang." Sagot ni Alex. Isa din 'tong bruhang 'to. Pinagkakaisahan nila ako eh.

"Dare." Sagot ko kaya napatingin siya sa akin.

"Oooooooh." Asar nilang lahat. Bakit ba laging ako ang naho-hot seat sa mga ganito?

"Sige, I dare you to say 'I love you' to Calyx." tanong ni Jacob.

Sabi na eh. Isssssss, ba't ba kasi ako?!

"Lyx!" tawag ko sa kanya. "I love you!" pasimpleng sabi ko.

"Yieeeeeeee!" Handan a ako sa pang-aasar! Iss, wala naman din akong kawala eh!

Hindi umimik si Calyx kaya tinuloy nalang namin yung laro.

Nang matapos ang party, tinawagan ako ni kuya na hindi daw makakauwi sila mama tonight. Super jetlag daw kasi si dad kaya magpapalipas daw muna sila ng gabi kila tito. Since walang klase bukas, nagkayayaan kaming magsleep over kila Calyx. Agad naman akong pinayagan ni kuya.

Dahil na rin sa pagod, diretso na kaming nakatulog. Pagkagising ko, tumunog yung phone ko. Nagremind lang pala na anniversary na namin ni Calyx bilang best friends bukas...

Wait what?! Wala pa akong regalo sa kanya!

Boy meets GirlWhere stories live. Discover now