Laking pasasalamat ko nang matapos ang buong araw nang walang nangyayaring gulo. Nakakailang man, atleast naka-survive kami sa nakakahilong tensyon.

Nagkaroon ng eulogy sa school kaninang tanghali para sa mga kaklase namin. Tahimik lang kaming lahat, si Marcel lang ang nagsalita sa amin dahil siya ang piniling representative. Ako naman ang ipinagtulakan nilang maglead ng dasal dahil walang may gustong magpresinta. Mabuti na lamang at kahit hindi ako handa ay nagawa ko pa rin ito ng mabuti.

"May itinatago ka palang kabanalan." Biro sa akin ni Raven.

"Oo, hindi katulad mo." Sagot ko sa kanya.

Ngayon ay ang huli naming klase. Kanina pa ako nakatingin sa relo dahil hindi na ako makapaghintay na mag-ring ang bell. Hindi ko alam kung bakit para bang sabik na sabik akong umuwi, siguro dahil na rin Sabado na bukas. Hindi lang ako ang ganoon, karamihan sa mga kaklase ko ay nakasakbit na sa likod ang bag at nag-aayos na ng mga sarili. Iba talaga ang mood ng studyante kapag Biyernes, ano? Katamaran is real.

"Class dismissed. Cleaners, maglinis na kayo." Parang musika ang mga katagang 'yun para sa akin.

Hindi pa man nakakaalis ang teacher namin ay nagsitayuan na ang lahat. Ang iba ay kakatapos lang magpolbo at mag-liptint. Ako nga ay nagsusuklay na. 'Yung mga lalaki naman, ayun at tumakbo na palabas, pati 'yung mga cleaners dapat, nauna na sa pag-uwi.

"Cleaner ka ano?" Tanong ko kay Raven at tumango naman siya.

Walang sabi akong kumuha ng walis at nakitulong na sa paglilinis. Ganoon rin ang ginawa ni Krisnel para mapabilis namin ang gawain. Kagaya ng palaging nangyayari ay iilan lang kaming naiwan dito, ang iba ay nakatakas na. Dalawa nalang silang cleaner talaga ang naririto.

Mabuti nalang at wala masyadong basura. 'Yung mga alikabok at mga pakalatkalat na buhok ay itinago nalang namin sa ilalim ng bookshelf. Nang sa wakas ay makalabas na ako at makapunta sa bike ko, tsaka naman ako nakatanggap ng tawag.

"Oh, Tito! Bakit po kayo napatawag?"

"Ayie," sabi niya sa kabilang linya. "Ano... Hindi pa muna ako makakapagpadala sa inyo."

"Po? Bakit po?"

"Nagkaproblema kasi kami dito sa trabaho... Ah, natanggap mo naman na siguro 'yung pinadala ko?"

"Opo, nakabili na nga po ako ng stocks namin, eh." Sagot ko sa kaniya, pilit na pinasasaya ang boses ko kahit na nakakunot na ang noo ko.

"Pagkasyahin niyo nalang muna 'yun ngayong buwan, ha? Susubukan kong makapagpadala nexth month. Gagawa ako ng paraan. Bayad ka naman na ang tuition mo ngayong buwan hindi ba?"

"Opo..." Nakagat ko ang labi ko. Kalahati pa lang ang nababayaran namin. "Gagawa rin po ako ng paraan, yakang-yaka ko 'yan!"

"Sige, ingat kayo palagi. Ibababa ko na ito ha?"

"Sige po, ingat din po kayo d'yan, 'To."

Kasabay ng pagputol niya sa tawag ay ang pagpapakawala ko ng malalim na buntong-hininga.

Mekaniko ang Tito Rolando ko sa Dubai. Kapatid siya ni Mama na mas nakababata sa kanya ng tatlong taon. Walang asawa o anak si Tito at mas pinili niyang suportahan at buhayin kami kaysa bumuo ng sarili niyang pamilya. Tingin ko nga ay asexual siya, hindi kasi siya naa-attract sa kahit na sino. Si Tito Rolando na ang tumayong ama ko simula nang makulong si Papa.

Mabait talaga si Tito. Gusto niya ang kung anong makakabuti para sa amin. Siya ang nag-suggest na dito kami sa Valencio lumipat dahil mababa ang crime rate at tahimik lang ang lugar... Pero mukhang unti-unti na iyong nagbabago. Nang lumipat kami rito, hindi siya pumayag na sa public highschool ng Valencio ako mag-aral dahil hindi daw maganda ang turo doon ayon sa sinabi ng katrabaho niya.

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon